‘Di maubus-ubos na droga!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Sangkaterbang ilegal na droga o shabu na naman ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA sa  operasyon sa Muntinlupa kamakailan.

Apat na Chinese national na sinasabing miyembro ng international drug syndicate ang nadakip sa operasyon kung saan aabot sa P1.1 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.

Ang ikalawang operasyon ay isinagawa sa loob ng isang kilalang village sa  Alabang sa Muntinlupa.

Mahigit sa 160 kilo ng shabu ang nasabat sa isang bahay sa village  na  ginagawang imbakan ng sindikato.

Nakalagay ang  mga droga sa magandang packaging na tea bags na isinilid sa mga lata ng biskwit.

Dahil sa mga bulto-bulto ng droga na naipapasok sa bansa, giit ng PDEA na dapat nang ibalik ang parusang kamatayan.

Posibleng isa raw ito sa dahilan kaya paboritong pagbagsakan at pagsagawaan ng operasyon ng mga sindikato sa droga ang Pinas.

Sa paligid na bansa, halos ang Pinas na lang daw ang hindi nagpapatupad ng parusang kamatayan na siya namang sinasamantala ng sindikato sa ilegal na droga.

Bukod nga raw dito ay ang nakikitang korapsyon sa ilang sangay.

Eto pa, isusunod na raw ng PDEA ang narcolist ng mga hukom at piskal.

Madalas daw kasing  madismaya ang PDEA  dahil sa nababasurang kaso na kanilang isinasampa sa prosecutor’s office at korte. Ito ay kahit na umano’y may malinaw at matibay silang ebidensya.

Lagi kasi silang nadadale sa technicalities lalu na sa malalaking kaso kahit kitang-kita na solido ang mga iprinisinta nilang ebidensya.

Kaya sa huli nadidismis ang kaso.

Ang tanong ilantad din kaya nila ang listahan gaya sa paglalantad sa mga pulitikong idinadawit sa operasyon ng droga. Ito ang ating aantabayanan.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with