Paboritong dasal ng Diyos
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

MAY isang kuwento tungkol sa magsasaka na mahilig magdasal. Lagi siyang may dalang libro ng mga dasal upang kapag walang ginagawa ay ito ang kanyang binabasa.

Minsan ay inabot siya ng gabi sa bukid dahil napilayan ang kanyang kabayo na kanyang sinasakyan pauwi sa kabaya­nan. Magdadasal sana siya ngunit nalimutan niya ang kanyang libro ng mga dasal. Hindi niya kabisado ang mga dasal kaya naisipan na lang niyang i-recite isa-isa ang alphabet nang limang beses pagkatapos ay nagdayalog siya sa Diyos ng ganito:

“Diyos ko, ikaw na ang bahalang bumuo ng mga dasal mula sa mga alphabet na aking binigkas. Pasensiya na po, hindi ko po kabisado ang mga dasal. Mara-ming salamat po.”

Natuwa ang Diyos pagkatapos Niyang marinig ang panalangin ng magsasaka. Sabi Niya sa mga anghel:

“Sa lahat ng panalanging aking narinig ngayong araw na ito mula sa mga tao ay ‘yung panalangin ng magsasaka ang aking pinakagusto dahil ito ang pinakasimple pero pinakamatapat na panalangin.”

DIYOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with