EDITORYAL - Walang delikadesa
(Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

BINANTAAN na ni President Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sisibakin ang mga opisyales nito na nagpabaya at hindi gumawa ng paraan para maiwasan ang krisis sa tubig. Binantaan din ang Manila Water at Maynilad na ititigil na ang kontrata ng mga ito kapag hindi naisaayos ang serbisyo. Siniserbisyuhan ng Manila Water ang east sectior ng Metro Manila. Nagsimula ang water interruption noong Marso 6 at hanggang ngayon may mga dumaranas pa rin ng kawalan ng tubig sa mga bayan sa Rizal at mga lugar sa Marikina at Pasig. Pero sabi ng Manila Water, 90 percent na raw ang naibalik nilang serbisyo. Kalbaryo ang dinanas ng mga consumers ng Manila Water na pati mga estudyante ay napilitang huwag pumasok dahil hindi sila makapaligo dahil sa kawalan ng tubig.

Galit na galit ang Presidente sa MWSS officials sapagkat lumalabas na hindi ginampanan ng mga ito ang trabaho. Hinayaang mag-panic ang mga tao sa kawalan ng tubig na maaari namang gawan ng solus-yon. Ayon sa Presidente, dapat alam ng MWSS officials at Manila Water na maaaring magkaroon  ng shortages sa tubig at gumawa sana sila ng paraan para maiwasan ito. Pero walang ginawang aksiyon ang MWSS officials at Manila Water. Kinailangan pa umanong ang Presidente ang magpasya ng mga gagawin para masolusyunan ang krisis sa tubig. Kailangan pang bumiyahe ang Presidente mula Davao patungong Maynila para desisyunan na magpakawala ng tubig sa Angat Dam na pinagkukunan ng tubig. Banta ng Presidente sa MWSS officials, “shape up or ship out!”

Matapos sermunan ng may 40 minuto, inatasan ang MWSS officials na magsumite ng water shortage report sa Abril 7. Sa report na ito babatay ang Presidente kung sisi­bakin ang mga pabayang opisyal ng MWSS.

Walang delikadesa ang mga opisyal ng MWSS. Harap-harapan nang minura ng Presidente pero wala pa ring nagkusang magbitiw sa puwesto. Sabi ng isang MWSS official, hindi naman daw sila pinagbibitiw. Sinabon lang daw sila at binanlawan, sabi pa ng isang opisyal. Walang delikadesa. Kailangan pa bang sabihin na magbitiw sila sa ginawa nilang kapabayaan na pinahirapan ang consumers. Halos magpatayan ang consumers sa pag-aagawan para makaigib samantalang ang MWSS at Manila Water, walang ginagawang aksiyon. Walang delikadesa talaga!

DELIKADESA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with