^

Punto Mo

Mag-seppuku o mag-harakiri, na lang kayo!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

KUNG talagang makakapal ang mukha ng mga opisyal ng MWSS at Manila Water dahil nga kapit-tuko pa sila sa kanilang mga puesto dapat sigurong inumpisahan na nilang mag-’seppuku’ o ‘ harakiri’ iligtas nila ang kanilang April sa pahirap na ginawa nila sa madlang people nang pahirapan nila dahil sa tubig.

Kung sa Japan nangyari ang kapabayaan at kapalpakan ng mga opisyal ng MWSS at Manila Water baka pumila na ang mga Japanese official at mag - ‘seppuku’ o ‘ harakiri’ sa kahihiyan sa kanilang mga amo at madlang Japanese people na binigyan nila ng ‘ hardtime’ sa pagsalok ng tubig at puyat na naransan ng mga consumer ng Manila Water,

Sabi nga, hindi puede ang ‘sorry, sorry’ lang dapat kayong lumayas sa puesto ninyo at ibigay sa mas nakakaintindi at may malasakit sa madlang Pinoy na pinapila ninyo at pinuyat pa ninyo.

Ika nga, magbigti este mali magbitiw pala kayo!

Katakot-takot ang sermon na tinanggap ng mga pa bright-bright d’yan sa MWSS at Manila Water sa mga kongresista kulang na lang murahin sila sa hearing.

Ganoon din ang nangyari the other day sa House of Senate, mga senador naman ang bumakbak sa mga bright people from MWSS at Manila Water kaya naman sermon left and right din ang inabot nila.

Ano kaya ang mainam sa mga opisyal ng MWSS at Manila Water?

Sagot - magbitiw na lang silang lahat!

After sa hearing sa Senado, ay pinatawag naman ang mga bright sa Malacañang para makipagpulong kay Boss Digong.

Anyare?

Binulyawan silang mga bright dito. Hehehe !

Buti nga.

Sabi ni Boss Digong palalayasin niya ang mga opisyal sa MWSS at sisibakin ang kontrata ng water concessionaires.

Dapat lang !

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inisnab lang ni Boss Digong ang paliwanag ng mga bright.

Ika nga, ano pa ang ipapaliwanag nila eh wala nga tubig !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpa-bright,bright kasi ang mga opisyal ng MWSS at Manila Water.

Sabi nga, nagpabaya !

Bakit ?

Sagot - pakaang-kaang kasi. Hehehe !

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang gusto pang magpalusot ng mga opisyal na pinatawag ng Pangulo kaya naman ‘dedma’ lang siya sa gusto nilang explanation.

Akalain mong pahirapan nila ang kanilang mga consumers ilang linggo rin nawala ng tubig, nagpuyat sa pag-iigib, hindi halos makapasok dahil hindi makaligo, may mga nag-away pa dahil lamang sa kapabayaan ng MWSS at Manila Water.

Kung napaghandaan ito ng Manila Water at MWSS hindi sana nagdusa ang madlang pinoy .

Sabi nga, kamote.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinisisii pa ng Manila Water ang kanilang consumers sa nangyaring water shortage !

Bakit ?

Sagot - nagkaroon ng ‘water panic’ imbakan kaya daw nagkaroon ng kakulangan sa tubig .

Naku ha !

Naniniwala ba kayo ?

Ano ngayon ang mainam gawin ng mga opisyal ng MWSS at Manila Water ?

Sagot - lumayas na sila !

Abangan.

 

vuukle comment

-SEPPUKU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with