EDITORYAL - Parusang kamatayan nararapat nang ibalik
(Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

WALA nang kinatatakutan ang mga rapist, hired killers at drug traffickers. Halos araw-araw ay may nangyaring panggagahasa at pinapatay pa ang biktima. Mayroong ninakawan na ay pinatay pa. Talamak na rin ang pagkakalat ng shabu, cocaine at marijuana. Wala na silang kinatatakutan. Pati sa mga probinsiya at mga liblib na lugar, may mga nangyayaring karumal-dumal na krimen.

Isang halimbawa ay ang nangyari sa Lapu-Lapu City, Cebu noong nakaraang linggo kung saan, pinatay at ginahasa pa ang 16-anyos na taga-kolekta ng abuloy sa simbahan na nakilalang si Christine Lee Silawan.

Pinagsasaksak si Christine ng 30 beses makaraang gahasain. Pero hindi pa roon natapos ang kahayupan ng killers sapagkat binalatan pa ang mukha ng kawawang dalaga. Kinuha rin ang internal organs at mga taynga nito. May mga sugat umano sa kamay at braso ang dalaga na palatandaang nanlaban sa mga rapist.

Ayon sa pulisya, bago nangyari ang krimen, nakitang may kausap sa cell phone ang dalaga. Kinabukasan, dakong alas sais ng umaga, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang liblib na lugar.

Ngitngit na ngitngit si Pres. Rodrigo Duterte at ipinag-utos ang manhunt sa killer-rapist ng dalaga. Makalipas ang isang araw, nadakip ang suspect sa Davao na nakilalang si Jonas Bueno. Suspect din ito sa pagpatay sa isang 60-anyos na lalaki. Hinihinalang nasa impluwensiya ng shabu si Bueno nang isagawa ang karumal-dumal na krimen sa dalaga. Umano’y miyembro rin ng kulto si Bueno. Itinanggi naman ng suspect ang akusasyon at sinabing wala siya sa lugar nang maganap ang krimen.

Nararapat nang ibalik ang parusang kamatayan sapagkat wala nang kinatatakutan ang mga criminal. Tiyak na maraming tututol dito at babatikusin pero dapat manindigan ang mga magsusulong ng death penalty. Hihintayin pa bang marami ang maging biktima ng panggagahasa at pagpatay bago mapaglimi na kailangan na nga ang mabigat na parusa sa mga masasama at walang pakundangan sa kapwa.

DRUG TRAFFICKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with