Mga kuwentong paspasan
DIKLAP - Ms. Anne (Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

(Part II)

…tungkol sa mga milyonaryo

Isang book author ang may sinulat tungkol kay Donald Trump at tinawag itong milyonaryo. Nagalit si Trump at nag-file ito ng $5 billion lawsuit noong 2009 laban sa author dahil bilyonaryo siya at nakakainsulto ang pagtawag nito sa kanya ng milyonaryo lang.

Si Lady Bird Johnson ang pinakaunang US First Lady na milyonarya na bago pa man maging Presidente ang mister niya.

Mas maraming milyonaryo sa Switzerland kaysa mahirap na nangangailangan ng tulong ng gobyerno.

Isang Chinese millionaire ang nabaon sa utang dahil nagtayo siya ng shelter para sa mga asong ni-rescue para gawing karne.

Noong nasa kapangyarihan si Hitler, isang tao lang ang pinapayagan niyang kumuha sa kanya ng litrato. Lahat ng gagamit ng litrato ni Hitler ay sinisingil ng royalties. Ang bayad ay pinaghahatian nila ni Hitler. Mabilis naging milyonaryo ang personal photographer ni Hitler.

Erno Rubik, ang imbentor ng laruang Rubik’s Cube ang pinakaunang self-made millionaire mula sa bansang komunista. Taga-Hungary siya.

Ang Mexican millionaire na si Carlo Slim Helu ay kumikita ng $30 million per day pero nakatira lamang siya sa simpleng bahay.

DONALD TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with