Malaking plaka sa motor na batas ni Gordon, go na!
SUPALPAL! - Non Alquitran (Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

MARAMI ang umangal dito sa batas na isinulong ni Sen. Dick Gordon ukol sa pagkabit ng malalaking plaka sa mga motorsiklo para maiwasan ang mga krimen na dulot ng riding-in-tandem suspects. Kaya inulan ng maanghang na post sa social media itong batas ni Gordon matapos maaprubahan ito.

May nag-post pa nga ng motorsiklo na ang plaka ay may nakasulat na “hindi kami kriminal,” at kung anu-ano pa. May nanawagan din sa kanyang mga kakosang naka-motor na iharang nila sa EDSA ang sasakyan nila para maramdaman, di lang ni Gordon kundi maging ng Palasyo, ang hinagpis nila.

Subalit mukhang malamig naman ang pangtanggap ng mga mahihilig sa motor itong panawagan dahil hanggang sa ngayon hindi pa nangyayari ang ganoong kilos protesta. Araguuyyy! May nanawagan din na ‘wag iboto si Gordon. Subalit batas na ito kaya’t huli na ang paghihinagpis ng ating mga kababayan na tinamaan ng panukala ni Gordon. Hak hak hak! Baka naman wait and see lang ang attitude ng mga may-ari ng motor dahil maaga pa para husgahan itong batas ni Gordon, di ba mga kosa?

Kung madami ang di sang-ayon dito sa batas ni Gordon, sobrang dami naman ang may gusto nito, lalo na ang mga miembro ng Philippine National Police (PNP) dahil mapadali ang trabaho nila. Kahit bumaba na ang bilang ng krimen na kinasangkutan ng riding-in-tandem, ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, aba may nakakasingit pa dito kabilang na ang pagtambang at pagpatay sa negosyanteng si Jose Yulo sa EDSA sa Mandaluyong City kamakailan.

Kahit nagkalat ang CCTV camera sa Metro Manila, hindi nahagip itong pag-atake ke Yulo, maliban sa isang yugto kung saan nakita ang van na sinasakyan n’ya na may kasabay na riding-in-tandem. Ang problema lang, masyadong malayo sa CCTV ang lugar kaya’t hindi matanto kung iyon nga ang pagpaslang ke Yulo. Araguuyyy!

Kapag i-enhance naman ang kuha ng CCTV, malabo din ang kinalabasan kaya’t hilong-talilong sa ngayon itong si Col. Moises Villaceran, ang hepe ng Mandaluyong police, kung paano malutas ang kaso, kahit nagko-cooperate na ang pamilya ni Yulo. Hak hak hak! Suntok sa buwan lang kapag nalutas ng pulisya ang itong kaso ni Yulo at ang iba pang pagtatambang ng mga riding-in-tandem, di ba mga kosa? T’yak ‘yun!

Sa puntong ito, malaking tulong itong batas ni Gordon. Kapag may malaking plaka na nakasabit sa unahan at likod ng motorsiklo, aba madaling matandaan ng mga witnesses ang numero nito kaya’t mai-report kaagad ito sa kapulisan, at presto....huli kaagad ang mga salarin.

Kapag nakaw naman ang motor at tumatakbo sa lansangan, aba isang pindot lang ng HPG o iba pang unit ng kapulisan sa kanilang data-base at lilitaw kaagad ang record nito. Kaya kung ang reklamo lang ng mga kosa nating naka-motor na malaking sagabal itong malaking plaka sa kanila, aba malaking puntos naman ito sa pakikibaka ng PNP laban sa kriminalidad. Get’s n’yo mga kosa? Tungkol naman sa suwerte ni Gordon sa pulitika, aba sa 2022 elections pa masasagot ito. Subalit, kapag nagtagumpay itong batas ni Gordon, sure win na din s’ya t’yak. Abangan!

DICK GORDON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with