Pinakamahabang suspension bridge sa mundo, binuksan sa Indonesia
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

MAARI nang bisitahin ng mga pupunta sa West Java, Indonesia ang isang suspension bridge doon na sinasabing pinakamahaba sa buong Southeast Asia

Matatagpuan ang tulay sa Situ Gunung Tourist Park na may habang 243 meters at lapad na 1.2 meters. Nasa 107 metro ang taas nito.

Ang 80-toneladang tulay ay gawa sa merbau wood at opisyal itong binuksan sa publiko noong Marso 9. Halos 2 taon din ang inabot sa paggawa sa suspension bridge, na sinimulan noon pang May 2017.

Sa taas ng tulay, kakailanganing magsuot ng safety belt ng mga gustong tawirin ito. Nakatali ang safety belt sa hawakan ng suspension bridge sakaling bayuhin ang tulay ng malakas na hangin.

Mula sa tulay, kitang-kita ang magandang tanawin ng kagubatang nakapalibot sa suspension bridge.

SITU GUNUNG TOURIST PARK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with