OFW na ayaw pauwiin ng amo, sinaklolohan ng BITAG
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 19, 2019 - 12:00am

DIKIT ang bituka ng aming programa at adbokasiya sa OFWs. Kaya naman kapag may nilapit sa’ming kaso na distressed OFWs, kilos pronto kami kung umaksyon.

Lumapit sa aming tanggapan ang anak ng isang domestic helper. Nag-aalala sa kalagayan ng kanyang ina dahil October 2018 pa dapat natapos ang kontrata nito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakauwi sa bansa dahil sapilitang pinag-extend ng amo.

Anang nagrereklamo, Oktubre 2016 lumipad ang kanyang ina patungong Jeddah, Saudi Arabia para mamasukan bilang DH. Maayos naman daw nilang nakakausap ang ina pero bigla silang nawalan ng balita nang matapos ang kontrata ng ina.

January 2019 pa raw nang huli nilang nakausap ang ina. Ayaw daw siyang pauwiin ng amo at kinukulong pa sa kuwarto.

Lubos na nag-alala ang anak at nagsadya sa agency para humingi ng tulong. Sa kasamaang palad, wala siyang napala sa agency. Binalewala lang ang kanyang reklamo.

Apat na buwan nang tapos ang kontrata ng ginang. Apat na buwan na ring hindi pinapasahod at walang komunikasyon sa pamilya sa Pilipinas.

Itong Ortiz Agency and Employment Services Inc., ‘di man lang umaksyon sa reklamo. Palibhasa wala sila sa kalagayan ng pobre kaya wapakels sila.

Sa pinadalang pahayag ng inirereklamong agency, nagpadala raw ng liham ang OFW at hiniling daw mismo ng pobre na mag-extend ng kontrata hanggang Oktubre 2019.

Kundi ba naman walang utak ang agency na ito, pamilya na nga ang nakausap. Nagmamakaawa nang makauwi ang OFW dahil nahihirapan na.

Di ba nila alam na baka under duress o tinututukan ng kutsilyo ‘yang pobreng OFW at sapilitang pinasulat ng liham para ipadala sa kanila? Jusmiyo!

Gusto lang naman mapauwi ng anak ang kanyang ina sa lalong madaling panahon. Baka kasi kung anong masama ang mangyari sa pobre kung hindi pa ito makakabalik sa Pinas.

Mga bossing, antabayanan ang update sa sumbong na ito. Sundan kami sa YouTube BITAG Official at sa aming website bitagmedia.com.

Hindi kami magsasawang tugunan ang mga sumbong lalo’t inaabusong OFW. Di kami tulad ng iba d’yan na puro satsat, wala namang aksyon.

Hangga’t may nagrereklamo, handa kaming tumulong. Kami ang pambansang sumbungan... BITAG Kilos Pronto!

OFWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with