^

Punto Mo

Dambuhalang ‘pi’ symbol, binuo ng mga taga-northern Ireland

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong Guinness World Record ang isang eskuwelahan sa Northern Ireland matapos nilang buuin ang isang dambuhalang simbolo ng “pi”.

Ayon sa Lismore Com­­pre­hensive School sa Crai­gavon, County Armagh ay nasa 1,170 ng kanilang mga estudyante at faculty ang lumahok upang mabuo ang mathe­matical symbol sa labas ng kanilang eskuwelahan at mahigitan ang kasaluku-yang Guinness record na 847 katao na naitala sa Portugal noong isang taon.

Isinagawa ang record attempt kasabay ng “Pi Day” na ginugunita tuwing Marso 14. Katulad kasi ng petsa (3/14) ang unang tatlong numero ng “pi” na 3.14.

Ginawa rin ito ng eskuwelahan bilang pag-alala kay Maddy-Leigh Harbinson, 11, isa sa kanilang mag-aaral na binawian ng buhay dahil sa organ failure na dulot ng  Type 1 diabetes. Dahil sa kanilang nagawa ay nakalikom sila ng donasyon para sa charity group na Diabetes U.K.

Balak ng mga opisyal ng paaralan na isumite sa Guinness World Records ang dokumentasyon ng ka­nilang world record attempt upang maging opisyal na ang kanilang naitalang record.

vuukle comment

IRELAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with