^

Punto Mo

Litrato ni Alcoreza sa FB, makakabawas ng boto ni Erap!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKI ang mababawas sa boto ni Manila Mayor Erap Estrada sa darating na Mayo dahil sa kumakalat na litrato ng umano’y ‘‘bagman’’ niya na si Dennis Alcoreza habang naglalar­o sa casino sa City of Dreams sa Pasay City. Si Alco­reza, na hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay kung anu-anong raket na ang pinasok para kumita subalit hindi apektado si Erap. Kaya lang sa paglalaro niya ng baccarat sa COD, aba sa tingin ko malaki ang maibabawas nito sa boto ni Erap, na gustong madagit ang 3rd and last term niya sa Mayo. Araguuyyy! Sa viral video sa social media, makikita si Alcoreza na parang tinititigan ang labas sa baccarat habang may nakatumpok na pitsa sa harapan n’ya. ‘‘Hindi po yung biskuwit na may maliliit na butil ng tsokolate,’’ ayon sa post ni Martin Baylon, na ang tinutukoy ay ang binilugang pitsa. ‘‘Chips po ng casino yung tinutukoy ko. This is where our taxes go.’’ ‘‘Yan yung head ng MTPB na napabalitang sa kanya muna dadaan ang mga barangay chairman para sa kanilang CSI? Hindi ba yan yung tinatawag sa kanyang initials na DA?’’ang dagdag pa ni Baylon. Ayon pa kay Baylon, kapansin-pansin na kokonti na lang ang chips sa harapan ng ating bida. ‘‘Yan ba yung pera na nakokolekta mo sa pangongotong? Diyan ba napupunta ang nakokolekta ng tao mo na nahuli kamakailan na may dalang 300k petot (pesos)?’’ ang tanong pa ni Baylon. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi pa ni Baylon na sa first wave ng atake ng kampo ni Erap sa mga kalaban, tinawag nila si Isko, na «Boy Baccarat» o sugarol. «Anyare,» ang tanong pa niya. Kung sabagay, kung nahuli si Alcoreza sa casino, di ba parehas lang sila ni Erap na nakunan din ng litrato na naglalaro sa casino ilang taon na ang nakaraan? Araguuyyy! Teka nga pala! Ano na ang nangyari sa kautusan ni President Digong na nagbabawal sa mga pulis at government employees na ‘wag magsugal sa casino? May punto ba si Baylon sa hinaing n’ya? Sa tingin ko naman, may kahalong pulitika na itong nag-viral post sa social media na nagpapakita kay Alcoreza na nagsusugal sa COD, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kung mayroong botante sa Maynila na hindi pa nagdedesisyon kung sino ang iboboto nila sa Mayo, malaki ang posibilidad na iiwan nila si Erap sa ere dahil dito sa litrato ni Alcoreza sa casino, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Sinabi naman ni kosang Bambi Purisima, ang spokesman ng City Hall na luma na ang litrato na nagpapakitang nagsusugal si Alcoreza. Araguuyyy! «Mukhang photo shop or computer cosmetic ang tirada ng mga kalaban. Pulos paninira ang alam nila,» ayon pa kay Purisima. Sinabi pa ni kosang Bambi na pinagpipistahan ng kampo nina Isko at dating Mayor Fred Lim ang litrato ni Alcoreza at hindi naman sila magtatagumpay sa masamang balakin nila. Dinagdag pa ni kosang Bambi na nakarating na sa kaalaman ni Erap ang nag-viral na litrato subalit hindi n’ya masabi kung ipina-imbestigahan ng amo niya ito. Kung sabagay, kung luma at edited na ang litrato bakit kailangang pag-ukulan pa ng pansin ni Erap ito? Sa tingin ko naman, ang mga botante sa Maynila ang may kasagutan dito sa litrato ni Alcoreza sa casino sa Mayo. Araguuyyy! Abangan!

vuukle comment

ALCOREZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with