Tutol si Rep. Lord Velasco vs coconut methyl ester blend
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - March 12, 2019 - 12:00am

TINUTULAN ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ang isang panukala na isinusulong daw ng DA upang madagdagan nang hanggang 5% mula sa kasalukuyang 2% ang coconut methyl ester blend.

Sabi nga, anti-consumers ito dahil sa epekto sa mga pump prices.

Ibinida ni Velasco, na lalong bibigat ang pasanin ng mga consumer dahil bugbog na sila sa mataas na presyo ng gasolina.

Ang pagpapataas sa biofuels blend ay magkakaproblema lamang, pati na ang mga adjustment sa ‘coconut methyl ester’ blend ay inaasahan para madagdagan ang mga pump prices sa diesel ng hindi bababa sa P2.25 bawat litro.

Ipinaliwanag ni Velasco, sa kasalukuyan may 2% epekto nang CME sa diesel at ito aniya ay P1.50 bawat litro.

Ipinaliwanag ni Velasco, ang tatamaan dito ay ang mga pampublikong sektor ng transportasyon, at ang anumang pagtaas sa presyo ng diesel ay hahantong sa mas mataas na gastos sa transportasyon.

Sinabi ni Velasco, may epekto ang panukala ng DA sa food security dahil ang pagtaas sa CME blend ay maaaring makaapekto sa mga presyo ng iba pang mga produkto o panindang pang-agrikultura.

Ang food security ay nananatiling pangunahing prayoridad. Ang panukalang ito ay dapat ikompromiso ang supply ng pagkain.

Ika nga, walang madlang pinoy ang dapat magutom!

Sabi ni Velasco, ang DA ay dapat magbigay ng assessment ng tunay na benepisyo ng biofuels sa mga magsasaka, pati na rin ang plano nito upang tulungan ang mga magsasaka sa pagbuo ng alternatibong mga merkado para sa mga local copra industry sa ibang mga lugar tulad ng kalusugan, mga pampaganda at animal feeds.

Hinimok din ni Velasco, ang DOLE na ipatupad ang Social amelioration and Welfare Program para sa mga manggagawa sa Biofuels Production o SAWP.

“Sa ilalim ng batas, SAWP dapat tulungan ang mga magsasaka ng copra sa paghanap ng iba pang kabuhayan at matulungan ang kanilang mga pamilya.

* * *

NAIA 06/24, ayos na !

Matatapos na ang ginagawang repair at overlay ng NAIA runway 06/24!

Sabi nga, sa  Biernes (March 15).

Ito ang isa sa mga  pangunahing proyekto ng Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal.

May P704 million ang contract price sa pagsasa-ayos ng nasabing project.

Ang runway 06/24,  ay ang pangunahing paliparan sa NAIA, kaya ikinatuwa ni Monreal, ito  dahil mas napa-aga ang gawaan blues sa orihinal iskedyul na dapat sana ay sa July 2019.

Kaya naman, Inaasahan ito sa pagdagsa ng mga pasahero ngayon summer vacation.

May dalawang bahagi ang pagkumpuni sa proyektong  ang mga civil work at  electrical phase. May kabuuang asphalt overlay na may habang 3,697 metro at 60 metro ang lapad at ang pagpapanumbalik ng runway pavement markings. Samantala, ang electrical phase, ay binubuo ng removal resurfacing, re-installation ng mga apektadong mga airfield lights kabilang ang runway center lights, curvature lights, threshold lights, sequence flashing lights at runway 06/24 at ang connecting taxiways dito.

Kamakaialan nagpalabas ng ‘Notice to Airmen’ ang CAAP dahil ang main runway ng NAIA ay isinara ng MIAA simula 1:30 hanggang 3:30am para ayusin ito.

Kaya naman hindi na bago na sarado ang runway sa NAIA dahil mas maagang nagbigay ng abiso ang gobierno sa mga international airlines.

“Ito ay ginagawa upang ang mga airlines ay isaayos ang kanilang mga iskedyul nang naaayon para sa mga flight na maaapektuhan sa pamamagitan ng pagsasara at magkaroon ng sapat na oras upang ipaalam sa kanilang mga pasahero tungkol sa gagawin pagsasaayos.’ ibinida ni Monreal.

Masaya na kaya ang mga international pilots sa paglapag nila sa runway 06/24 ?

Abangan.

LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with