^

Punto Mo

Parrot mula uk na 4 na taon nang nawawala,marunong nang mag-Español nang matagpuan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG British pet parrot na nagngangalang Nigel ang muling naibalik sa kanyang amo matapos mawala ng 4 na taon – ngunit ngayon, hindi lang Ingles ang binibigkas ng ibon dahil marunong na rin itong mag-Español.

Nawalay si Nigel sa kanyang amo na si Darren Chick nang lumipad ito palabas ng kanilang bahay sa California.

Isang pamilya pala na dating taga-Guatemala ang kumupkop kay Nigel kaya natuto ito ng Español.

Naibalik kay Chick ang kanyang alaga sa tulong ng isang beterinaryo na sinuri ang microchip na nakabaon sa parrot kung saan nakapaloob ang mga impormasyon tungkol sa ibon.

Bagama’t apat na taon na ang nakakaraan, hindi naman daw maitatanggi na ibon nga niya ang parrot na ibinalik sa kanya kahit pa noong una nilang muling pagkikita ay kinagat siya nito.

vuukle comment

BRITISH PET PARROT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with