^

Punto Mo

90 narco-pols, nasa listahan ni Sec. Año!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

UMAABOT sa 90 politicians na umano’y sangkot sa ilegal na droga ang nasa listahan ni DILG Sec. Eduardo Año sa ngayon. Ang mabigat nito ay hindi lang nagbabanta si Año na ibubulgar niya ang mga pangalan ng narco-politicians kundi kakasuhan pa sila.  Araguuyyy!

Aba, malalim itong pagbabanta ni Año dahil hindi biro ang magkaso sa narco-pols kung wala siyang hawak na matibay na ebidensiya, ‘di ba mga kosa? Paano lalarga sa korte ang mga kaso kung puro hearsay lang ang ebidensiya ni Año?

Kailangan kasing ma-validate nang maayos ang mga hawak na ebidensiya ni Año para hindi maakusahan si President Duterte na ginagamit lang ang listahan ng narco-pols sa pulitika dahil malapit na ang May elections.

Kung sabagay, pabor ang Palasyo na ibulgar ang listahan para magsilbing giya ito sa mga botante sa Mayo at hindi na uupo pa sa puwesto ang narco-pols, ‘di ba mga kosa? Kaya lang, ang listahan ni Año ay hindi pinapakita sa kahit kanino, maliban na lang siguro kay Digong.

Parehas lang kaya ang listahan ni Año at ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay si Aquino ay hindi pabor na ibulgar ang listahan ng narco-pols at ibinato niya kay Digong ang desisyon ukol dito. Hak hak hak! Sigurista rin si Aquino at ayaw niyang masisi ng mga pulitiko, ‘di ba mga kosa?

Habang papalapit ang araw na ibubulgar ni Año ang listahan sa narco-pols, nangangamba naman ang maraming pultiko na baka gamitin itong listahan laban sa kanila.

Ang pangamba nila ay baka may kaibigan si Año na mga pulitiko at gagamitin ang drug list kuno para iangat ang tsansa ng kandidato niya. Araguuyyy! Kung sabagay, hanggang kahapon ay wala pang direktiba si Año kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde na i-validate maigi ang listahan ng narco-pols bago niya ibulgar ito.

Baka ayaw lang ni Año na mag-leak ang mga pangalan ng mga pulitiko na sangkot sa droga kaya abot-langit ang pagtatago niya rito? Kung ayaw ni Año na gamitin ang PNP, maari naman niya sigurong gamitin ang military intelligence, di ba mga kosa?

Kasi nga galing si Año sa military kaya alam niyang tikom din ang mga bibig ng mga ito kung tungkol sa mga tagong detalye ang pag-uusapan. Samantala, si Maj. Gen. Gregorio Pimentel, ang hepe ng PNP directorate for intelligence (DI) ay magreretiro na sa Mayo kaya may dahilan na hindi na siya ang gagamitin ni Año. Puwede, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, ang asawa ni Pimentel ay angkan din ng mga pulitiko sa La Union kaya kayo na mag-isip mga kosa kung bakit hindi ang PNP ang paborito ni Año. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, maraming pulitiko ang hindi makakatulog sa ngayon dahil sa banta ni Año na hindi lang ibubulgar ang pagkasangkot nila sa droga kundi kakasuhan pa sila. Pag nagkataon kasi, goodbye na lang sa political career nila, pati na ang ibang miyembro ng pamilya na nais pumasok sa pulitika. Araguuyyy! Kayo mga kosa, pabor ba kayo sa hakbangin ni Sec. Año? Abangan

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with