^

Punto Mo

195 katao, hubo’t hubad na sumakay ng roller coaster sa England

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng 195 katao ang nagtipun-tipon sa isang bayan sa England para makapagtala ng bagong world record para sa pinakamaraming hubo’t hubad na sumakay sa roller coaster.

Naghubad sila at nagtungo sa Blackpool Pleasure Beach amusement park noong nakaraang Sabado bilang bahagi ng taunang tradisyon sa lugar.

Inorganisa ng UK organization British Naturism ang pagsakay sa roller coaster ng mga hubo’t hubad. Ang British Naturism ay isang grupo na naglalayong gawing katanggap-tanggap ang paghuhubad kahit pa sa mga pampublikong mga lugar.

Madaling nahigitan ng grupo ang dating record na nasa 102 katao, na naitala rin sa England, sa bayan ng Southend noong 2010.

Hindi naman naiulat kung naging bukas ba sa publiko ang world record attempt o isa  itong pribadong kaganapan.

 

vuukle comment

ANG BRITISH NATURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with