^

Kitchen Tips

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - March 5, 2019 - 12:00am

Para hindi mapaluha habang naghihiwa ng sibuyas: Balatan, hugasan, tanggalin ang magkabilang dulo. Painitin sa microwave oven ng 30 seconds saka hiwain. Naluluha tayo habang hinihiwa ang sibuyas dahil sa inilalabas nitong sulphuric gas. Ang pagpapainit sa sibuyas sa microwave bago hiwain ang sumisira sa enzyme kaya wala na itong mapalabas na gas.

Pagkaing hindi dapat initin sa microwave oven: May balat o walang balat na hard boiled eggs. Maiipon ang init sa loob ng itlog kaya sasabog ito sa loob ng oven or worst, sasabog ito pagkalabas mo sa oven habang hawak mo ito. Delikadong sumabog ito sa kamay mo o tumalsik sa mukha.

 Ang parsley at chives ay sa bandang huli inihahalo or kapag tatanggalin sa apoy ang niluluto dahil mabilis mawala ang flavour nito kapag natagalan sa init.

Nagtatagal ang talas ng kutsilyo kung may takip lagi ang blade nito kapag hindi ginagamit.

Mantikang may high smoke point ang mabuting gamitin para sa deep fat frying. Examples:  almond oil, canola oil, grapeseed oil, safflower oil, sunflower oil. Kapag ang mantikang gagamitin sa pagpiprito ay may low smoke point, naglalabas ito ng harmful free radical sa environment.

Ang olive oil at butter ay may low smoke point. ‘yun bang sandali lang nakasalang sa apoy ay umuusok na o nangangamoy na. Ang dalawang nabanggit ay ginagamit lang sa panandaliang pagluluto kagaya ng inihahalo lang ito sa sisig o stir fry vegetable. (Itutuloy)

KITCHEN TIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with