^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming ‘floating cocaine’

Pang-masa
EDITORYAL - Daming �floating cocaine�

SUNUD-SUNOD ang pagkakasagip sa mga bloke ng cocaine na palutang-lutang sa dagat. Mga mangingisda ang nakakasagip ng mga ito at inirereport sa barangay. Ang hindi lang mabatid ay kung ang ibang mangingisda na nakakasagip ng cocaine ay ipinagbibigay alam sa barangay o itinatago nila. Lalo pa’t may report na nag-aalok ang drug lords ng salapi sa sinumang mangingisda o indibidwal na makakasagip ng “floating cocaine”. Malaking pera umano ang alok ng drug lords. Sabi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), taktika lang daw ang pagpapaanod ng cocaine para maibaling ang atensiyon pero ang totoo, may malaking shipment ng droga na gustong ipasok sa bansa.

 

Sunud-sunod ang pagkakasagip sa mga “floating cocaine” na ang pinakahuli ay isang bloke na natagpuan sa Paracale, Camarines Norte noong Linggo na nagkakahalaga ng P5.4 milyon. Ayon sa PNP, ginagamitan umano ng Global Positioning System (GPS) ang mga bloke ng cocaine kaya natutunton ng sindikato kung nasaan na ang mga ito.

 

Noong nakaraang linggo, 88 bloke ng cocaine ang nasagip sa karagatan ng Dinagat Islands at Siargao sa Caraga Region. Umaabot sa kalahating bilyong piso ang halaga ng mga nasagip na cocaine.

Hindi lamang cocaine ang ipinaaanod kundi pati shabu na nagmula sa China. Noong nakaraang buwan, 274 kilos ng shabu ang natunton ng PDEA sa isang warehouse sa Tanza, Cavite. Ayon sa PDEA, nakatanggap sila ng tip sa isang confidential informant na may dalawang Chinese nationals na nag-iingat ng shabu sa nasabing lugar. Nagpanggap ang mga agent ng PDEA na poseur-buyer. Pero nakatunog umano ang dalawang Chinese at nakipagbarilan. Napatay ang mga ito. Nang halughugin ang warehouse, nakita ang mga kahon na may lamang shabu. Ayon pa sa PDEA, mamasa-masa pa ang mga plastic na balot ng shabu na halatang bagong hango sa dagat. Umaabot sa 274 kilos ang shabu na may street value na P1.9 bilyon.

Tiyak na marami pang “floating cocaine” at nararapat na maging alerto ang PDEA at ang Philippine Coast Guard. Bantayan ang karagatan. Hindi dapat makalusot ang mga ito. Ireport naman ang mga ma-ngingisdang itinatago ang mga nasasagip na cocaine o shabu.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with