^

Punto Mo

Utol (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUO na ang pasya ni Xander na hanapin si Anna sa Maynila. Bahala na.

 

Dumating ang araw nang pag-alis niya. Nagpaalam siya kay Nanay Lucing at Rosa.

“Aalis na po ako, Nanay Lucing, Rosa. Babalik po ako pagkaraan ng isang buwan para dalawin si Mama  sa bago niyang musuleo.’’

“Salamat nang marami sa’yo Xander. Sobra-sobra naman ang ibinigay mong pera sa akin. Parang nagbayad ka sa hotel, he-he-he!’’

“Tama lang po yun Nanay.’’
Nagpasalamat din si Rosa. Binigyan din kasi siya ng pera ni Xander.

“E deretso ka na ba sa inyong probinsiya, Xander?’’ tanong ni Nanay Lucing.

“Baka po dumeretso ako sa Maynila para dalawin ang bahay ko roon. Meron po akong bahay dun.’’

“Talagang napakayaman mo na, Xander.’’

“’Yun pong bahay na yun ay nabili ko dahil sa perang pamana ni Mama.’’

“Ah ganun ba? Sige Xander, mag-ingat ka.’’

“Salamat po sa inyong dalawa.’’

Umalis na si Xander.

Nang nakasakay na siya   sa bus, biglang may tumawag sa kanya mula sa labas.

Ang kaklaseng si Dino!

Mukhang may mahala-gang sasabihin.

Binuksan niya ang bintana ng bus.

“Bakit Dino?”

“Xander bumaba ka muna at may sasabihin akong mahalaga.”

Nagmamadaling bumaba si Xander.

“Anong sasabihin mo Dino?’’

“Alam ko na ang address ni Anna sa Maynila!’’

“Talaga?’’

“Oo, nakausap ko ang kaibigan niyang si Mely at nasabi na sa Exremadura St. siya nakatira. Malapit lang daw sa Earnshaw yun.’’

Parang tinambol ang dibdib ni Xander. Malapit lang sa tirahan niya si Anna!

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with