^

Punto Mo

Pinakamalaking pares ng pantalon, matatagpuan sa Peru

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG department store sa Peru ang sinasabing nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos nilang likhain ang pinakamalaking pares ng pantalon. 

 

Nilikha ng kompanyang Mall del Sur ang dambuhalang pantalon na kasintaas ng isang gusaling may 22 palapag. Katulong nila ang fashion brand Kansas sa paggawa ng pantalon. 

Isinapubliko ang pantalon sa isang mall sa San Juan de Miraflores, Peru. 

Inabot ng anim na buwan ang 50 katao sa pagtulung-tulong sa paggawa ng pantalon, na may 65 metro ang taas at 42 metro ang lapad. 

Kinumpirma na ng Guinness World Records na ang pantalon nga ang pinakamalaki sa mundo. 

Mananatiling naka-display sa publiko ang pantalon hanggang Sunday, bago gutay-gutayin at gawing eco-bag ang mga piraso nito.

vuukle comment

PANTALON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with