^

Punto Mo

Ilocos Norte mayor ipina-BITAG! Areglo agad!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SERYOSONG magtrabaho ang aming grupo. Kami lang ang nag-iisang public service na kilos pronto ang aksyon; walang iyak-iyak at puro daldal.

 

Kung natatandaan niyo, inireklamo si Sarrat, Ilocos Norte Mayor Remegio Medrano ng kanyang mga tao. Na-hot seat dahil sa kahayupan ng kanilang kumpanya na Enerthrust International Inc.

Sigaw ng 15 manggagawa ang kanilang sweldo at benepisyo sa loob ng sampung taon. Nakakainis na nakakaloko. Biruin mo, kailangan tumagal ka muna ng 10 taon sa kompanya bago ka hulugan ng SSS.

Ngayong nanghimasok na ang tropa ng BITAG, happy happy na ang mga agrabyadong obrero. Kasama ang Business Permit and Licensing Office, pinuntahan namin ang inirerekla-mong kompanya.

Viola! Nadiskubre pa tuloy ang mga patung-patong na violations ng kompanya. Sa takot siguro na lumaki ang problema, inareglo na.

Humarap ang kanilang abogado at nangakong aasikasuhin ang kanilang tao. Nangako rin si Mayor on-air na aayusin niya ang problema. Good for them.

Nagka-aregluhan ang magkabilang panig sa NLRC. Nakatanggap na ‘yung 10 complainant; sunod na ‘yung natitirang lima. 

Hindi na sila bumalik sa aming tanggapan kaya considered closed na ang kanilang kaso. Okay na kami roon dahil masaya na ang mga trabahante.

Ito’y example at warning na rin sa ibang mga kompanya. Take care of your people… and they will take care of your company.

Wala kami sa industriya ng paninira ng negosyo. Hindi kami anti-business. Pero oras na makakita kami ng mali, pasensiyahan na lang. 

Communicate with the people down below. Baka hindi niyo na napapansin dahil parati kayong nasa mataas niyong trono. Alagaan ang mga tao n’yo.

Marami na kaming nasampolang mga pasaway na employer. Lalo na ‘yung hindi patas ang pagtrato sa kanilang mga empleyado. ‘Wag na kayong sumunod. 

Mga boss, kung kayo’y inapi at gustong magreklamo, ‘wag matakot lumapit sa pambansang sumbungan… BITAG Kilos Pronto.

vuukle comment

REMEGIO MEDRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with