^

Punto Mo

Dark secrets ng British Royal Family (Part IV)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1— May prolema na sina Prince Charles at Diana bago pa man sila ikasal dahil nabisto ni Diana na may lihim na love affair sina Charles at Camilla. Sobrang naapektuhan si Diana kaya noong 3 months pregnant siya kay Prince William, nagpatihulog siya sa hagdan. Para namang sinadya ng tadhanang naglanding ang katawan niya sa paa ni Queen Elizabeth na noo’y akmang papanhik sa hagdan. Ang mga bagay na ito ay nakasaad sa kanyang diary, naipagtapat niya sa kanyang confidant at biographers gamit ang voice recorder. Minsan na rin siyang nagtangkang magpakamatay nang hiwain niya ang kanyang pulso.

 

2 — Ang apo ni Queen Elizabeth na si Princess Beatrice ay nagkaroon ng boyfriend na killer noong siya ay 17-years old pa lang. Si Beatrice ay anak ni Prince Andrew, ikatlong anak nina Queen Elizabeth at Prince Philip. Ang ex-boyfriend niyang killer ay isang American playboy na si Paolo Liuzzo. Buti na lang at maikli lang ang panahon na sila ay naging magnobyo. Ang kanyang ina ay si Sarah Ferguzon, ‘yung nauna kong isinulat na nahuli ng paparazzi na habang nakahiga sa beach ay may lalaking sumusupsop ng kanyang daliri sa paa. Hiniwalayan siya ni Prince Andrew dahil sa panlalalaki.

3 ­— Noong 2005, umatend ng costume party si Prince Harry gamit ang Nazi outfit. Bawal ito para sa pangkaraniwang citizen, lalo pa sa isang British Royal. Naging malaking eskandalo ito. Nag-public apology si Harry via royal officers.

4 —Ang kaisa-isang anak na babae ni Queen Elizabeth, na si Princess Anne ay may alagang mababagsik na aso na umaatake ng mga bata. Mula sa pamamasyal si Anne at asawa nito, kasama ang mga aso, ang isang English Bull Terrier ay nakawala sa pagkakahawak ni Anne at kinagat ang dalawang batang nagbibisikleta.

Idinemanda ang mag-asawa ng pamilya ng mga bata. First time na makasuhan ng criminal offence ang senior royal. Kapag may nakagat na tao ang isang aso, ito ay kailangang patayin. Pero ang aso ni Princess Anne ay hindi pinatay kaya galit na galit ang pamil­ya ng biktima. Muling umatake ang asong ito, this time ang kinagat at pinatay ay ang pinakamamahal na corgis ni Queen Elizabeth.

vuukle comment

BRITISH ROYAL FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with