_pang-masa
^

Dark secrets ng British Royal Family

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

(Part III)

… na hindi nila gugustuhing malaman ninyo

1 — Tinuturuan ni Queen Elizabeth si Kate Middleton kung paano kumilos bilang miyembro ng Royal family. Ngunit hindi mo mabubura ang tunay na kulay sa iyong pagkatao. Nami-miss niya ang kinababaliwan niyang form of exercise, ang pole dancing. Humingi siya ng permiso sa reyna na payagan siyang mag-pole dancing minsan sa isang linggo, siyempre sa isang tagong dancing studio. Tinatakpan niya ng scarf ang kanyang buhok para hindi makilala.

2 — Gustung-gusto ni Prince Harry na magkaroon ng tattoo. Para mairaos ang kanyang kagustuhan, nagpapalagay siya ng temporary tattoo.

3 — Noong 16-years old pa lang si Prince Harry at estud-yante sa Eton College, tinatawag siya ng mga kaklase na “Hash Harry” dahil sa pagiging user ng marijuana. Mahilig siyang mag-party at makipag-inuman. Palibhasa ay prinsipe, pinapapasok siya sa mga bars kahit menor de edad.

Ang kanyang amang si Prince Charles ang nakapansin sa pagbabago ng kanyang ugali. Kakaiba ang ikinikilos. Kaya nagpasya ang ama na ipasok siya sa Rehab center ng ilang araw upang makinig ng mga kuwento ng mga dating adik na nagbagong buhay. Unti-unti ang pagbabago hanggang sa naging matured na ito.

4—Pinakasalan lamang ni Prince William si Kate Middleton dahil binasted siya ng babaeng gustung-gusto niya—si Isabella Calthorpe, actress, model at ang pamilya ay tinitingala sa mataas na lipunan sa UK. Una siyang nakilala ni Prince William kaysa kay Kate. Naputol ang komunikasyon ng dalawa. Nakilala ni William si Kate at naging magnobyo. Pero may hindi pinagkasunduan at nag-break.

Habang break kay Kate, muling nagsalubong ang landas nila ni Isabelle — may mahabang blond hair, seksing magdamit na kagaya nina Britney Spears noon at malakas ang sex appeal. Patay na patay talaga siya sa babaeng ito. Malayo sa personalidad ni Kate na mukhang “mamanangin”. Niligawang muli ni William si Isabelle. Pero binasted. Marahil, base sa liberated lifestyle ni Isabelle, “boring” na lalaki si Prince William. Kaya sa bandang huli, si Kate Middleton pa rin ang binalikan ng prinsipe. Samantala, mas piniling maging asawa ni Isabelle si Sam Branson na anak ng multi-millionaire na si Richard Branson.

ROYAL FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with