^

Punto Mo

Barbero sa Vietnam, nag-aalok ng gupit ‘Trump’ at ‘Kim Jong-Un’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA isang barber shop sa Hanoi, Vietnam, nagpagupit ang 9-anyos na si To Gia Huy. Pagkatapos gu­pitan, naging kahawig niya si Kim Jong Un ng North Korea.

Ayon kay Uy, marami raw ang nagsasabing kamukha niya ang North Korean leader.

Sa tabi ni Huy, matiyaga namang naghihintay si Le Phuc Hai na matuyo ang pampakulay na ipinalagay niya sa kanyang buhok upang maging katulad ng kay Donald Trump.

Isang tricycle driver si Hai, at bagama’t wala siyang pagkakahawig sa US President ay ginaya niya pa rin ang kulay ng buhok at hairstyle nito dahil talagang tagahanga raw siya nito.

Dalawa lamang sina Huy at Hai sa mga kumagat sa alok na libreng gupit ng barberong si Le Tuan Dong na gustong sumakay sa magiging paghaharap nina Trump at Kim Jong-Un sa Hanoi.

“City of Peace” daw ang Hanoi at nang marinig daw niya ang balitang summit sa kanyang siyudad ay naisip niyang mag-alok ng libreng gupit na katulad ng hairstyle ng dalawang lider bilang kontribusyon sa paggunita sa napipintong summit.

vuukle comment

DONALD TRUMP

KIM JONG UN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with