^

Punto Mo

EDITORYAL - Police checkpoint, walang silbi!

Pang-masa
EDITORYAL - Police checkpoint, walang silbi!

BUMABA raw ang krimen sa Metro Manila, sabi ng Philippine National Police (PNP). Pati raw ang mga carnapping incident ay bumaba rin. At pati raw ang mga gumagamit ng droga ay nabawasan din. Magandang pakinggan ang mga sinabing ito ng PNP, pero kung susuriin, tila taliwas ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan lalo na’t sunud-sunod ang kaliwa’t kanang pagpatay na nagaganap sa mataong lugar at sa matinding sikat pa ng araw. Hindi na natatakot ang mga mamamatay-tao ngayon at lalo pa silang bumabangis.

Ipinagmamalaki rin ng PNP ang mga inilalatag nilang checkpoint. Pero kung titingnan, walang silbi ang police checkpoint sapagkat marami pa rin ang nakalulusot na hired killers gamit ang motorsiklo. Nakadidismaya na kung kailan mayroong election gunban ay saka nangyayari ang mga madudugong krimen. Lalo pang na-challenge ang mga riding-in-tandem na gawin ang kanilang misyong pumatay. Walang silbi ang mga police checkpoint na nagiging dekorasyon lang sa kasalukuyan. Basta may masabi lang na mayroong checkpoint ay okey na.

Kung epektibo ang police checkpoint bakit nakakalusot ang mga kriminal at walang anumang naisasagawa ang pagpatay gaya nang nangyaring ambush sa EDSA-Mandaluyong noong Linggo sa gitna nang katirikan ng araw. Matao ang lugar na iyon at dapat sana ay mayroong mga pulis na nakabantay pero wala nga.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang sasakyan ng businessman na si Jose Luis Yulo, 63, na ikinamatay nito. Napatay rin ang drayber nito na si Alan Santos habang ang kasama nilang babae na nakilalang si Esmeralda Ignacio ay malubhang nasugatan.

Pagkaraang maisagawa ang krimen, walang anumang humarurot ang riding-in-tandem. Parang bumaril ng manok sa matao at maliwanag na lugar at saka umalis nang walang takot. Hanggang sa kasalukuyan, blanko pa ang pulisya sa krimen.

Nasaan ang police checkpoint at bakit hindi nasabat ang riding-in-tandem? O pakitang tao lamang ang mga inilalagay na checkpoint para masabi na nagtatrabaho. Namamayagpag ang riding-in-tandem at walang magawang paraan ang PNP kung paano mapipigilan ang mga ito. Pag-aralan n’yo naman kung paano mapuputol ang mga pagpatay gamit ang motorsiklo.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with