^

Punto Mo

BITAG, tulong, nawawala P85,000 kong pasalubong!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISANG balikbayan, dumulog sa aming action center para ireklamo ang nawawala niyang bagahe. Ang halaga ng mga gamit, humigit-kumulang P85,000!

Lulan ng Bicol Isarog Bus na papuntang Masbate ang OFW. Ang mga bagahe niyang dala’y  pasalubong sana sa mga kaanak sa probinsiya.

Malas niya, nawala na parang bula ang kanyang mga pasalubong. ‘Di na umabot sa kanyang mga mahal sa buhay.

Giit ng bus company, “nahulog” ang kargamento. Sira ang compartment ng bus na pinag­lalagyan ng mga bagahe.

Natural, nais pagbayarin ng pasahero ang kompanya sa kapabayaan nito. Ibalik ang kanyang pinagpaguran walang labis, walang kulang.

Ngunit nagmatigas ang Bicol Isarog at sinabing P500 lamang ang perang kanilang isusuka. Ito lang daw kasi ang idineklarang halaga ng pasahero sa bill of lading.

Palag naman ng nagrereklamong pasahero, hindi raw siya ang nagsulat ng declared value ng bagahe dahil ‘di na nila ito pinansin.

Para imbestigahan ang reklamo, tinungo ng aming grupo -- kasama ang Business Permit  and Licensing Office (BPLO) -- ang opisina ng Bicol Isarog Bus Lines.

Lumabas sa inspeksiyon na kulang ng permit sa cargo forwarding ang negosyo. Patay kang bata ka! Nakatikim ang kompanya ng violation notice at binigyan ng limang araw na palugit para tumino at ayusin ang permit.

Sa kaso naman ng nawawalang bagahe, iimbestigahan ng Bicol Isarog ang drayber at konduktor. Kung mapatunayang may kapabayaan, parurusahan at maaari pang ma-terminate ang mga ito sa trabaho.

Nangako naman ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na sila ang mamamagitan sa dalawang panig. Sa oras na hindi sumunod ang Bicol Isarog Bus Lines, maaaring makansela ang kanilang prankisa.

Sa ganitong klaseng sumbong, importanteng matuto ang publiko. Nakapaloob sa batas na responsibilidad ng mga carriers ang pagkawala ng anumang gamit o bagahe ng kanilang pasahero. Cargo nila ang inyong cargo maliban na lamang kung may nangyaring delubyo.

‘Yung nga lang, sa kasong ito, nagpabaya ang magkabilang panig. Di ligtas sa responsibilidad ang may-ari ng mga gamit. Di porket biktima kayo, wala na kayong pananagutan.

Mga bossing, maging mapanuri at matalino. Kapag may dalang gamit na may halaga, siguraduhing tama ang pagdeklara. At saka maraming Pilipino ang guilty sa gawaing ito, ‘wag basta-basta pipirma para hindi maloko at madehado.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with