^

Punto Mo

Facelift ng NAIA Terminal 2

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

AABUTIN pa nang isang taon bago matapos ang rehabilitation ng NAIA Terminal 2 dahil sa March next year pa ito inaasahan matapos kung walang aberyang mangyayari.

Amen!

Ibinida ni MIAA General Manager Ed Monreal, may P600-million “architectural facelift” na inumpisahan tirahin noong nakaraang September para itaas ang antas ng ilang features ng mga pasilidad dito.

Sabi nga, sa labas pa lang ang ‘architectural facelift!’

P600 million na?

Naku ha!

Ang laki ng inilaang funding?

Bakit kaya?

Sagot - mahal na ang mga bilihin!

Sabi nga, nagtaasan kasi.

Paano ang pasahod sa madlang workers?

Kasama sa P600 million?

Dapat lang!

Ang ilan sa mga kinukumpuni upang maging world class ang itsura ng NAIA Terminal 2, ay ang gusali nito, sahig, bubong, mga glass doors at ang pre-departure gates at fixed bridge gates, pintura roon, pintura rito.

Balak din palakihin ang departure check-in hall at ang arrival baggage area.

Bukod sa pag-upgrade sa flight information display system, maglalagay din ng bagong public address system pagkatapos makumpleto ang rehabilitasyon.

Sabi ni Monreal, medyo malaking sagabal sa mga pasahero ang ginagawa sa terminal kaya naman humihingi siya ng paumanhin.

Bakit ?

Sagot - maalikabok !

Ang NAIA Terminal 2 ay ginagamit ng mga eroplano ng PAL sa kanilang flight operations.

‘Maging wirld class kaya ang T2 kapag natapos ang rehabilitation ?’

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with