^

Punto Mo

Weightlifter sa Michigan, binuhat ang 2-toneladang SUV para masagip ang lalaking naipit sa loob

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPAMALAS ng kabayanihan ang isang powerlifter sa Michigan nito lamang nakaraang linggo matapos sagipin ang isang lalaki na naipit sa loob ng isang 2-toneladang SUV na tumaob matapos ang isang aksidente.

Pauwi na mula sa kanyang pinapasukan ang 29-anyos na si Ryan Belcher, nang may marinig siyang malakas na ingay sa labas. May tumaob palang SUV sa harapan ng kanyang opisina kaya dali-dali siyang lumabas upang lapitan ito.

Nang marating niya ang sasakyan ay nakita niya ang isang lalaki na humihingi ng saklolo mula sa pagkakaipit niya sa nakataob na sasakyan.

Ayon kay Belcher, may apat na raw na nauna sa kanya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente at sinusubukan daw ng mga ito na maitulak ang sasakyan ngunit ni hindi raw natinag ang SUV sa pagkakataob nito.

Noon niya naisip na pagkakataon na niya upang mapakinabangan ang kakayahan sa weightlifiting.

Kaya ni Belcher, na may timbang na 350 pounds, na magbuhat ng hanggang 950 pounds kaya naman hindi raw siya nagdalawang isip na buhatin ang sasakyan at mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga tumutulong na mahigit ang lalaking mula sa pagkakaipit.

Dahil sa kanyang ginawa ay nagawang maitakbo sa ospital ang lalaki, na nagtamo ng malubhang pinsala.

Kaya naman nagpapasalamat si Belcher na hindi siya nagdalawang isip sa pagtulong at nagawa niyang mapakinabangan ang kanyang araw-araw na pagpapalaki ng katawan sa gym.

vuukle comment

RYAN BELCHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with