^

Punto Mo

Utol (143)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGING interesado si Xander nang malamang dalaga pa si Anna at nasa Maynila raw at doon nagtatrabaho.

“Paano ang bahay nila rito, Dino?’’

“Ang alam ko, naka­sangla raw ang bahay sa banko at iyan daw ang pinagpipilitang bayaran ni Anna. ‘Yung isang kapatid ni Anna ay hindi ko alam kung saan nakatira. Basta si Anna na lang nagmamalasakit sa bahay nila. Tuwing Todos los Santos lang yata umuuwi si Anna para dalawin ang mga puntod ng magulang.’’

“Saan kaya siya nakatira sa Maynila, Dino?’’

Napangiti si Dino.

“Mukhang may pagmamahal ka pa sa kaklase nating si Anna, Xander.’’

Napangiti lang si Xander.

“Gusto ko lang malaman kung saan siya nakatira, Dino.’’

“Hayaan mo at ipagtatanong ko. Marami siyang kaibigan dito sa atin. Ipaaalam ko agad sa’yo. Pero palagay ko, mayroon kang mas malalim na dahilan kaya gusto mong malaman ang address niya sa Maynila, he-he-he!’’

Ngumiti lang si Xander saka huminga nang malalim.

“Wala namang masama kung buhayin mo ang nakaraan. Di ba niligawan mo siya ay kaya lamang natigil iyon ay dahil sa masasamang sinabi sa’yo ni Aling Anding na ina ni Anna.’’

“Naaalala mo pala yun, Dino.’’

“Paanong hindi ko maaalala e katabi mo ako nang lait-laitin ka ni Aling Anding. Nasa bahay tayo nina Anna noon at may ginagawang group project, malapit na tayong mag-graduate sa high school nun. Maski ako, halos manliit dahil sa sinabi ni Aling Anding sa’yo. Napakasama talaga ng ugali ng matandang yun.’’

Nakatingin lang si Xander kay Dino. Hindi rin pala nito malimutan ang pangyayaring iyon.

“Alam mo Xander, nalaman ko na masamang-masama ang loob ni Anna sa kanyang ina dahil sa pangyayaring iyon. Ikinuwento ni Anna sa isang friend niya at ikinuwento naman sa akin. Hindi lang ako ang na­galit dahil pinagsalitaan ka nang hindi maganda. Walang respeto sa kapwa ang ina ni Anna. Kaya nga sabi ng iba, karma ang nangyari sa kanila. Nalugi ang tsinelasan at nagkasakit pa ang walang modong matanda.’’

Huminga nang malalim si Xander. Saka mahinahong nagsalita.

“Napatawad ko na si Aling Anding, Dino. Wala na akong galit sa kanya. Siguro dahil sa mga dinanas kong panlalait at pagpapahiya ay ginantimpalaan naman ako ng Diyos. Binigyan niya ako nang masaganang buhay. Yung mga dinanas ko nung pang-aapi ay biglang napawi. Wala na akong hinanakit kahit kanino.’’

“Sana, Xander, magkita kayo ni Anna.’’

“Sana, Dino.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with