^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdagan ang tax sa sigarilyo

Philstar.com
EDITORYAL - Dagdagan ang tax sa sigarilyo

ISANG mabisang paraan para mapigilan sa pagkakasakit at pagkamatay ang mga Pilipino dahil sa paninigarilyo ay ang dagdagan pa o itaas ang tax sa bawat pakete nito. Kapag nagmahal ang sigarilyo, mahihirapan nang bumili at ititigil na nila ang bisyo.

Ang World Health Organization (WHO) representatives sa Pilipinas na si Gundo Wieler ay nagpahayag na ang dagdag na P90 bawat pakete ng sigarilyo ay sapat na para lubusang bitiwan ng mga sugapa ang nakamamatay na bisyo. Sa excise tax na P90, tiyak na magiging “ginto” sa mahal ang bawat kaha ng sigarilyo. Maaaring maging P50 ang bawat stick nito. Ang maaari na lang makabili nito ay mga mayaya-man na may bisyo.

Noong 2012 pa huling itinaas ang P20 excise tax sa sigarilyo at sa kasalukuyan, maraming health advocates ang nananawagan na patawan muli ito ng karagdagang tax. Layunin ng mga nananawagan na mailigtas ang marami sa pagkakasakit. Ang lung cancer, sakit sa puso at stroke ang mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa dulot ng paninigarilyo.

Napatunayan na mula nang ipatupad ang Sin Tax Reform Law na nag-iimposed sa P20 excise tax sa sigarilyo, bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit. Tinatayang 70,000 Pilipino ang nakaiwas sa pagkamatay dahil sa sigarilyo. Marami umano ang tumigil sa bisyo mula nang taasan ang buwis na naging dahilan para magmahal ang sigarilyo. Tinatayang apat na milyong smokers ang tumigil na sa bisyo mula 2012 dahil hindi na umano kaya ang mataas na halaga ng sigarilyo. Maganda ang resulta sapagkat marami ang naisalba ang buhay. Marami ang nakaiwas sa cancer at sakit sa puso.

Halos ganito rin ang report ng Philippine General Hospital (PGH) na bumaba ang bilang ng kanilang mga pasyente na may cancer sa baga, sakit sa puso, stroke at iba pang respiratory diseases na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Suportahan ang muling pagpapataw ng tax sa sigarilyo. Pakinggan ng mga mambabatas ang hinaing ng health advocates. Ito ang nakikitang paraan para tumigil ang mga naninigarilyo at mailigtas din ang mga nakakalanghap ng second hand smoke. Gawin ito alang-alang sa kalusugan ng sambayanan.

vuukle comment

TAX

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with