^

Punto Mo

Ang ‘magaling’ na kamag-anak

DIKLAP - Ms. Anne - Philstar.com

SA probinsiya nangyari ito. Nakaburol ang aking tiyo. Lahat ng kamag-anak ay naroon para maglamay. Sa entrance ng bahay ay nakahilera ang monoblock chairs kung saan kami nakaupo. Ang mga nakaupo ay kinabibilangan ng mga pinsan at tiyahin. Ang spot na aming kinauupuan ay tanging daan para makapasok ang mga guests sa kinabuburulan ng aking tiyo.

May dumating na babae na mas bata sa akin. Nahulaan ko agad na siya ay aking second cousin dahil kasama nito ang kanyang Lola na laging “nangmamarder” sa aking pisikal na anyo. Bagama’t ang pagmamarder ay dinadaan sa biruan, tumatatak iyon sa aking isipan kahit na sabihin pang mabilis nabura ang sakit sa aking puso.

Palibhasa ay nasa daanan kami ng mga taong papasok, huminto ang mag-Lola para ipakilala ng Lola ang kanyang magandang apo sa mga nakahilerang kamag-anak. Very proud si Lola dahil laging naiimbitahang Reyna Elena ang apong ito kapag piyesta sa amin. Sa Maynila ito naninirahan kasama ng kanyang parents at bihirang umuwi sa probinsiya.

Pito kaming magkakatabi. Ipinakilala ni Lola ang nasa seat number 1 hanggang seat number 5. Nasa seat number 6 ako. Lumaktaw sa akin. Hindi ako ipinakilala at sa halip ay ipinakilala ang nasa seat number 7. Na-excite si Lola nang makita ang nakaupo sa seat number 7 dahil ito ang kamag-anak namin na star sa aming angkan dahil mabilis mautangan at pagsanlaan ng lupa sa bukid. At saka may mataas itong posisyon sa kompanya at puwedeng lapitan para magpapasok sa trabaho.

Hindi ko na sana papansinin ang nadama kong negative feeling kung sandali lang binati ang “star of the show”. Matagal silang nagkuwentuhan habang nakatayo at nakatigil sa aking harapan —halos mahalikan ko ang tiyan at suso ng mag-lola. Nagkibit-balikat na lang ako pero naka-store iyon sa aking memory. Wala kasing mapapakinabang sa akin kaya hindi na importanteng ipakilala ako sa kanyang apo.

Fast forward tayo sa kasalukuyan. Ang aking ina ay nagbabakasyon sa probinsiya. Minsan ay nagkatawagan sila sa telepono ni Lola. Nakatira na si Lola sa Maynila, sa parents ng apo niyang pang-Reyna Elena ang level ng ganda. Wala na itong bahay sa probinsiya. Naibenta na ang lahat ng kabuhayan. Nabanggit nito na uuwi siya sa aming probinsiya pero hindi malaman kung kanino makikituloy.

“Dito ka na sa aking bahay tumuloy” ang pagmamagandang loob na alok ng aking ina.

“A, hindi lang ako. Lahat ng aking apo at pamilya niya.”

Biglang buwelo si Mader.

“Kung ikaw lang puwede kong i-accommodate. Maliit lang itong bahay ko. Nakakahiya sa mga apo mo. At saka hindi na ako kagaya ng dati na masigla pa ang katawan. Hindi ko na kayang mag-accommodate ng maraming bisita.”

Pagkababa sa telepono, biglang bumalik sa alaala ng aking ina ang masasama kong karanasan kay Lola. Lalo lang niya napagtibay na tama ang kanyang desisyon na tanggihan ito.

vuukle comment

KAMAG-ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with