^

Punto Mo

Drug money sa halalan, binabantayan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Philstar.com

Nagpauna nang nagbabala ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa posibilidad na pagkalat ng drug money sa nalalapit na midterm election sa Mayo.

Partikular nga na tinukoy ng PDEA ay ang pagbili ng boto ng ilang mga tiwaling kandidato gamit ang pera sa droga o kaya ay buhat sa korapsyon.

Hindi umano magtatapon ng perang kita sa pinagpawisan at tamang paraan ang ilang tiwaling politiko para ipambili ng boto. Siyempre ang itatapon ng mga ito ay yaong hindi nila pinaghirapan.

Kapansin-pansin na habang papalapit nang papalapit ang eleksyon ay siya namang sunud-sunod ang nasasabat na mga illegal drugs sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya nga hinala ng mga awtoridad nagsisimula nang kumilos at kumapit sa patalim ang ilang tiwaling kandidato.

Ito ay para may magastos lamang ngayong eleksyon at makatiyak ng panalo sa pamamagitan ng pagbili ng boto.

Ito raw ang mahigpit ngayong tinututukan ng mga awtoridad.

Kaya nga lang ang tanong dito, paano mapapatunayan?

Kung kumikilos ang sindikato ng droga, tila minamalas lang sila dahil sunud-sunod din ang matatagumpay na operasyon ng mga awtoridad kung saan nasasabat ang mga tinatangkang ipakalat na droga.

Nakakatakot lang talagang isipin kung hindi agad na nasabat ang bulto-bultong mga ilegal na droga eh, ilang buhay ang maapektuhan at sisirain nito.

Kamakailan lamang nakasabat ang PDEA ng may P245 milyong halaga ng shabu sa isang bahay sa Cavite na sinasabing pag-aari ng sindikato ng droga.

Kung noong nagdaang barangay election, may 200 barangay officials ang pinangalanan ng PDEA na sangkot sa illegal drugs , sa nalalapit kaya ngayong halalan magpangalanan din sila ng mga sinasabi o hinihinala nilang mga kandidato na dawit sa droga.

Dito na magkakaalam at ating aantabayanan.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with