^

Punto Mo

‘Agaw-armas’ script ng pulisya, nakakasuka na!

SUPALPAL! - Philstar.com

LUMANG tugtugin na ang script na “agaw-armas” ng mga pulis subalit hanggang ngayon ay ginagamit pa. Ilang dekada na ka-sing palaging “agaw-armas” ang dahilan ng mga pulis tuwing may napapatay na kriminal at ang publiko ay nasusuka na. Araguuyyy!

Wala na bang maisip na ibang script ang mga pulis? Anong sey mo PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sir? Kasi nga mga kosa, wala naman tayong death penalty kaya bakit mang-aagaw ng armas ang mga nahuhuling suspect kung ang krimen naman na nagawa nila ay hindi kamatayan ang magiging hatol sa hukuman?

Ang halimbawa ko ay ang “agaw-armas” kuno na nangyari kina Benedicto Dizon at Jervie Bernardo sa police stations ng Manila Police District (MPD). Si Dizon, na humaharap sa kasong rape ay nabaril mismo ni Supt. Bobby Glen Ganipac, hepe ng Station 9, samantalang si Bernardo naman na may kasong illegal possession of firearms ay sa Station 7.

Bakit mang-aagaw ng armas sina Dizon at Bernardo e hindi naman kamatayan ang magiging hatol sa kanila ng hukuman ‘pag nagkataon. Ang problema lang ni Dizon, sa loob mismo ng opisina ni Ganipac nang barilin kaya walang witness samantalang si Bernardo naman ay nabuhay pa at nadala sa ospital kaya nag-iingay ang mga kamag-anak niya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kaya dapat imbestigahan ng Commission on Human Rights at Public Attorney’s Office ang kaso nina Dizon at Bernardo at tiyak may maaamoy sila.

Samantala, paulit-ulit naman ang “agaw-armas” script ng pulisya laban sa mga kriminal tuwing may gusto silang patahimikin para magkaroon ng accomplishments, ‘di ba mga kosa? Pero sa sobrang tagal kong nag-cover sa MPD, ang pinakamagaling gumawa ng “script” ay ang yumaong Col. Manolo “Cholo” Martinez at ang kamag-anak kong si Reynaldo Jaylo.

Tandang-tanda ko pa na may preso na nakaharap ng kontrobersiyal na kaso na nakatakas sa comfort room malapit sa Homicide Section. Para mas paniwalaan ang scripi, aba naiwan pa sa sahig ng comfort room ang tsinelas ng suspect na dumaan sa bintana na may rehas na halos eksakto lang ang ulo mo.

Nang puntahan ko sa likod, aba mataas ang bintana na kung ginamit man ito ng suspect, tiyak tigok din siya lalo’t kung ang ulo niya ang unang bumagsak sa lupa. Aba kinabukasan, mukhang minalas ang suspect dahil nasagasaan siya nang malaking trak sa Road 10 sa Tondo. Araguuyyy!

O, di ba magandang script ‘yan mga kosa?
Ang tropa naman ni Jaylo ay may nakabarilan na apat na Chinese national na sangkot sa droga sa Ermita at patay silang lahat. Sa prescon ng kaso, sinabi ni Jaylo na ibinangga ng driver ang kotse sa poste matapos ang isang habulan. At totoo naman ito dahil may ebidensiya, di ba Boss Arcanghel Sir? Si Arcanghel kinabukasan ay maraming band-aid sa mukha at iba pang parte ng katawan.

Kaya naman nabisto na script lang ito dahil may beerhouse ang kasama kong reporter na si Buddy dela Cruz sa harap ng binanggang poste at nasaksihan ng mga trabahador niya ang buong pangyayari at si Arcanghel ang itinuturo na tumakbo galing sa kotse. hak hak hak! O ngayon, anong script ang mas maganda mga kosa? Pili na! Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with