^

Punto Mo

Preso na marunong mang-carnap, nasagip ang sanggol na na-lock sa SUV

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Philstar.com

HINDI siguro akalain ng isang preso sa Florida na magagamit niya sa kabutihan balang araw ang kanyang galing sa pagnanakaw ng kotse.

Dahil kasi sa kakayahan niya sa carnapping ay nagawa niyang sagipin ang buhay ng isang 1-taong gulang na sanggol na na-lock sa loob ng isang SUV.

Ayon sa ina ng sanggol na si Shadow Lantry, na-lock ang bata nang pansamantalang ipatong ng asawa niya ang susi  ng kotse sa front seat upang ayusin ang pagkakaupo ng kanilang anak sa likod.

Nang maalala niyang kunin muli ito ay huli na dahil naisara na niya ang likurang pintuan ng kotse at nag-lock na ito

Nagkataon namang isang grupo ng preso na pinagtatra-baho upang kumpunihn ang kalsada ang malapit sa kanila at sila ang unang sumaklolo kina Lantry.

Gamit ang isang hanger na pangsampay ay naga-wang sungkitin ng isa sa mga bilanggo ang lock ng pintuan. Hindi man lang tumagal ng limang minuto ang ginawa nilang pagsaklolo sa bata, na ligtas matapos ang lahat ng nangyari.

Pasalamat na pasalamat si Lantry sa mga preso at nais daw niyang magbigay ng tulong sa bilangguan kung saan nakapiit ang mga ito.

Ipinagmamalaki naman ng sheriff sa lugar na si Chris Nocco ang nagawa ng mga preso. Bagama’t mayroon daw talagang mga kriminal na ang hangad lang ay  ang mamerhuwisyo ay higit na mas marami naman daw sa mga ito ang gusto nang magbago at gawin ang tama.

vuukle comment

SHADOW LANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with