^

Punto Mo

Utol (142)

Ronnie M. Halos - Philstar.com

“CLASSMATE mo ako sa high school, Xander. Ako si Dino!’’ sabi ng lalaki.

Nang marinig ni Xan- der ang pangalang Dino ay bigla niyang naalala.

“Oo, Dino! Natatanda­an na kita! Kumusta?’’

“Mabuti naman Xander. May maliit akong negosyo sa bahay --- tindahan ng uraro at iba pang pasalubong. Halika sa bahay at doon tayo magkuwentuhan. Ilang taon din tayong hindi nagkita.’’

Sumama si Xander kay Dino.

Pero bago umalis, muli niyang sinulyapan ang bahay nina Anna. Napansin ni Dino na sinulyapan niya ang bahay. Kilala ni Dino si Anna.

“Bahay nina Anna yan, Xander! Wala na si Anna riyan. Sarado na rin ang tsinelasan nila!’’

“Napansin ko nga.’’

“Matagal nang sarado ang bahay nila. Patay na kasi ang mga magulang ni Anna.’’

“Nasabi nga sa akin ni Nanay Lucing. Sa bahay kasi niya ako nakatira, Dino.’’
“Kailan ka ba dumating Xander?’’

“Noong isang araw pa. Umuwi lang ako rito para ipagawa ang libingan ni Mama.’’

“A ganun ba? E saan ka ba nakatira ngayon? Nabalitaan ko nasa Maynila ka.’’

“Sa probinsya ng aking ama ako nakati-ra, Dino. Doon na ako na-ka-base at mayroong negosyo.’’

“Muk-hang sinuwerte ka na Xander.’’

Ngumiti lang si Xander.

Nakarating sila sa bahay ni Dino.

“Halika Xander. Pasensiya ka na at maliit lang ang bahay ko.’’

“Okey lang, Dino.’’

Ipinakita ni Dino ang tindahan ng mga pasalubong na nasa gilid ng bahay. Naroon ang asawa ni Dino at nagbabantay. Tinawag ito ni Dino at ipinakilala kay Xander. Maganda ang asawa ni Dino na ang pangalan ay Merly.

“Halika sa loob, Xander.’’

Pumasok sila.

“Maupo ka, Xander. Mag­titimpla lang ako ng kape.’’

Nagtimpla ng kape si Dino.

Habang nagkakape, nag­ku­kuwentuhan sila ng mga nakaraan nila habang nasa high school.

Hanggang madako ang usapan nila kay Anna.

“May balita ka kay Anna, Dino?’’

“Oo. Dalaga pa si Anna, Xander. Nasa Maynila at doon nagtatrabaho.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with