^

Punto Mo

Utol (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG umaga, nagpa­alam si Xander kay Nanay Lucing.

“Pupunta lang ako sa simbahan, Nanay Lucing. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapasok sa simbahan. Baka masunog na ako kapag hindi naka-visit man lang.’’

“Sige, Xander. Pagbalik mo handa na ang almusal. Magkape ka  muna at malamig ang panahon.’’

“Tapos na po. Aalis na po ako.’’

Nagtungo si Xander sa simbahan. Kakaunti ang tao sa loob. Tahimik na tahimik. Wala pa ring pagbabago ang simbahan. Ganun pa rin ang ayos. Lumang-luma na.

Lumuhod siya at umusal ng dalangin. Nagpasalamat sa Diyos sa biyayang ipinagkaloob sa kanya. Ipinagdasal ang kaluluwa ng kanyang mama. Idinalangin din ang mga taong malalapit sa kanya at higit sa lahat ang kanyang “utol” na si Gerald.

Nang matapos ay lumabas na siya. Nag-isip kung saan pupunta. Ipinasya niyang puntahan ang pinagtapusan ng high school. Malapit lang ito sa simbahan.

Nang makarating sa school, naalala ni Xander ang masasayang sandali roon. Hanggang sa maalala niya si Anna. Dito sa school na ito sila nagkakilala ni Anna. Nakangiti siyang binalikan sa alaala ang mga naganap noon.

Hanggang ipasya na niyang umuwi. Sa dating daan siya dumaan. Ito ang daan na lagi nilang dinadaanan ni Anna kapag magkasabay silang umuuwi.

Hanggang sa madaa-nan niya ang lumang bahay nina Anna. Huminto siya at pinagmasdan ang bahay. Ang ibaba ng bahay ay dating tindahan ng tsinelas.

Ngayon ay sarado na ang tindahan at maski ang bahay wala nang tao. Mukhang matagal nang walang nakatira.

Nasaan na kaya si Anna?

Naalala ni Xander na sabi ni Nanay Lucing ay nasa Maynila si Anna at doon daw nagtatrabaho. Wala pa raw itong asawa. Totoo kaya yun? Imposible na wala pang asawa si Anna dahil maganda ito at ligawin. Sa Maynila ay madali siyang maliligawan.

Saan kaya sa Maynila nakatira si Anna?

Ipinasya na niyang umuwi.

Pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay may tumawag sa kanya.

“Xander!’’

Lumingon siya. Lalaki. Hindi niya kilala. Hindi niya matandaan kung sino ito.

“Nalimutan mo na ako Xander? Ako si Dino! Classmate mo!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with