^

Punto Mo

BITAG, ang bully ng mga bully!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

GALIT ang BITAG sa mga bully, mapang-abuso at mga asal-demonyo. Kayong mga loko-loko, ‘di ako magdadalawang-isip na sugurin kayo sa lungga n’yo oras na kayo’y ireklamo.

Sa rami ng mga “sigang” nasampolan ng BITAG, daig pa ang listahan ng utang sa haba. At ang pinakahuling nakatikim, isang bully na “pulis” at isang nagpakilalang kamag-anak ng mayor ng Las Piñas.

Inireklamo ang dalawa ng mag-asawang kanilang napagtripan sa kalsada. Kuhang-kuha sa video ang inasal ng dalawang tukmol.

Habang gumagarahe ang mga biktima, pinagtripan sila ng mga sigang kolokoy. Nag-iskandalo agad dahil nakabalandra raw sa daan ang sasakyan ng mag-asawa.

Halatang fresh na fresh pa galing tomaan ang mga inirereklamo. Ang pulis-pulisan, pinagduduro at hinamon pa ng suntukan ang padre de pamilya.

Damay pati ang misis. Pinatulan at tinulak ang ginang. ‘Di alintana na may dalawang taong gulang na bata sa loob ng sasakyan.

Kilos Pronto, nagpadala ako ng mga emisaryo sa lugar. Hinanting ng aking mga investigative staff ang dalawang ugok sa video.

Sa aming pag-iimbestiga, ang hudas at pilato ay sina Regan Soriano at Lorenzo Tolentino. Si Soriano ang pulis kuno, habang si Tolentino ang kaanak ni Las Piñas Mayor Mel Aguilar.

Hindi nahirapan ang aming grupo dahil notoryus ang mga subject sa lugar. Kilalang-kilala na ng mga residente ang dalawa.

Pinuntahan namin ang opisina ni Mayora pero hindi kami hinarap. Nahiya panigurado sa inasal ng kanyang kadugo. Sa halip, tinuro na lang kung saan namin makikita ang kumag.

Lumalabas, isang traffic aide si Soriano. Si Tolentino naman, aminadong related kay Mayor pero hindi raw niya ito pinangangalandakan.  

Naging anghel ang dalawang demonyo nang magkaharap-harap sa opisina ng Traffic Enforcement Unit. Tameme. Naging bulate ang mga siga sa video.

Nabigyan ng suspension ang dalawa pero desididong magsampa ng kaso ang mga biktima. Pasalamat sila, hindi ako kasama. Gustung-gusto ko pa namang manghambalos ng mga bully tulad nito.

Sa mga bully at mga sisiga-siga, isa lang mensahe ko sa inyo. Magdasal kayong ‘wag mag-krus ang landas natin. Dahil si BITAG ang bully ng mga bully. Makakakita kayo ng katapat n’yo. Itaga n’yo sa bato!

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with