^

Punto Mo

Dark secrets ng British Royal Family

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part II)

… na hindi nila gugustuhing malaman ninyo

1. Si Prince Andrew na ikalawang anak na lalaki ni Queen Elizabeth ay nagkaasawa ng TV personality, si Sarah Ferguzon. Habang si Andrew ay nasa Naval or Royal duties, si Sarah ay makikitang may kasamang ibang lalaki na sa malas ay nabibisto sa pamamagitan ng paparazzi. Minsan ay nakunan ito na nagsa-sun bathing sa isang beach na topless, nakataas ang isang paa habang ang isang lalaki ay sumusupsop sa kanyang big toe. Naghiwalay ang mag-asawa at idineklara ni Queen Elizabeth na wala na silang pakialam sa manugang at sa mga utang nito.

2. Babaero si Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth. Nagkaroon ito ng affair sa writer na si  Daphne Du Maurier at pinsan mismo ni Queen Elizabeth na si Princess Ale-xandra of Kent. Ang lahat ng iyon ay pinagpapasensiyahan ng Queen.

3. Ang kapatid ng Queen na si Princess Margaret ay party girl na nag-experiment na mag-drugs. Ang tagong lugar kung saan siya lagi nagpupunta para magwala ay sa Caribbean Island. Noong 43 years old na si Margaret at may asawa na, nakilala niya ang isang 26 year-old landscape gardener. Nagkaroon sila ng relasyon. Gaano man kahigpit ang pagtatago, nakunan sila ng litrato habang naglalambingan at nag-leak iyon sa diyaryo. Hiniwalayan si Margaret ng asawa. (Itutuloy)

vuukle comment

BRITISH ROYAL FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with