Adik nabawasan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Mayorya ng mga Pinoy ang nagsabi na lubhang nabawasan ang mga adik sa kanilang mga lugar.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) noong nakalipas na Disyembre.

Lumalabas na sa 1,440 na respondents sa buong bansa, nasa 66 porsiyento rito ang nagsabi na lubhang nabawasan ang mga drug users sa kanilang lugar.

Sa tala naman ng PDEA,  nauna na nilang sinabi na mara­ming mga barangay na sa bansa  ang naideklarang ‘drug free’.

Ang lahat ng ito ay matapos ang giyera laban sa ilegal na droga na inilunsad ni Pangulong Digong.

Sa ilang pang naunang isinagawang survey, marami rin sa mga Pinoy ang nagsabing nabawasan ang mga tambay at mga petty crime sa kanilang lugar lalo na sa gabi.

Marami ring Pinoy ang sang-ayon na dapat ipagpatuloy ang giyera laban sa illegal drugs, pero malaking porsiyento ang naniniwala na dapat na mahuling buhay ang mga drug suspects.

Sa walang humpay na mga operasyon ng mga awtoridad, sangkaterba ng mga ilegal na droga ang nasamsam , daan-daang libo na rin ang sumuko at nangakong magbabagong buhay.

Sa kabila nang lahat ng ito, kapansin-pasin pa rin na tila ang Pinas ang paboritong bagsakan ng mga ilegal na droga.

Patunay dito ang mga ang bulto-bulto pa rin ng droga ang tinatangkang ipasok sa bansa.

Sangkaterba pa ring illegal drugs ang nasasabat halos araw-araw sa ibat-ibang pamamaraan.

Mas matinding pagtutok ang dapat pang gawin ng mga kinauukulan, dapat masupil at masawata na nang husto ang pagtatangka ng sindikato na maipasok at maipakalat sa bansa ang kanilang mga epektos.

Hindi mauubos ang mga adik hangga’t patuloy na kumakalat ang supply ng droga sa kapuluan.

Sa kabuuan, maituturing  na nagtatagumpay ang drug on war ng pamahalaan na dapat ay tuluy-tuloy lang.

SOCIAL WEATHER STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with