Velasco, pinarangalan ng Rotary
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

ISA si veteran author, publisher at communication specialist Melandrew T. Velasco sa 15 katao na pinarangalan ng Rotary Golden Wheel Awards Foundation at ng local government unit (LGU) ng Quezon City noong nakaraang linggo.

Si Velasco, family biographer ni dating Pres. Fidel V. Ramos ay ginawaran ng parangal dahil sa kanyang trabaho bilang taga-dokumento ng outstanding Filipino patriots at statesmen. Hindi naman bago ang pagtanggap ni Velasco ng awards mga kosa dahil napili rin siya bilang Junior Chamber International (JCI) Senate Philippines Golden Awardee noong 2019 sa field of Literature, and Mass Communications.

Kung sabagay, naging JCISP Director and National Chairman ng Search for The Outstanding Filipino Physician (TOFP) si Velasco noong 2008 at 2012. Sa kasalukuyan, si Velasco ang chairman ng search for the Outstanding Filipino (TOFIL) Awards sa taon na ito. Si Velasco ay na-nominate sa Rotarian award ni Rhyan Virrey, ang presidente ng Rotary Club of Cubao West, kung saan ang una ay dati ring club president.

Kung sabagay, hindi lang si Velasco ang non-Rotarians na binigyan ng award kundi maging si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Si Velasco, mga kosa, ay tubong Dagupan City at dating seminarian sa Mary Help of Christian Seminary at Christ the King Mission Seminary (SVD) sa Quezon City.

Lumipat siya sa University of the Philippines (UP) kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts in Mass Communication, major in Journalism noong 1985. Sa loob ng 18 taon, umabot na sa 30 libro ang naisulat ni Velasco, at karamihan dito ay tungkol sa buhay ni Ramos at kanyang pamilya.

Ang ilan sa kanila ay may titulong; “An Enduring Legacy: The Life and Times of Ambassador Narciso Ramos;” “In A Class of Her Own: The Biography of Angela Valdez Ramos; “Simply Ming: The Life and Legacy of First Lady Amelita M. Ramos;” “Mommy: The Life Story of Josefa Jara Martinez - Pillar of Social Work; “Uncle Sim: The Legacy of Simeon Marcos Valdez;” and “Colors of Light: The Story, Poems and Paintings of Lucia Mangapit Valdez;” and FVR’s Ramos Peace and Development Foundation, Inc. (RPDEV). Hehehe! Kung wala pa kayong kopya ng mga libro ni Velasco tungkol sa pamilya ni Ramos puede pa kayong humabol mga kosa.

Sa kasalukuyan, sumulat din si Velasco ng mga coffee table books tungkol sa mga civic at religious organizations at hindi ko na babanggitin ang mga titulo dahil mauubusan ng espasyo.

Subalit ang isa rito na pinamagatang “Silver Linings: The Continuing Saga of the 1986 EDSA People Power Revolution” ay ire-relaunch niya ngayong buwan. Marami pang libro ang isusulat ni Velasco at dapat suportahan para buhayin at paunlarin ang sining ng literature sa ating bansa. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

MELANDREW T. VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with