Pugante na binansagang ‘tarzan’ ng Italy, huli matapos dalawin ang ina
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

SA wakas, naaresto na rin ng Italian police ang isang pugante na binansagang “Tarzan” matapos itong paulit-ulit na makatakas mula sa mga awtoridad sa pamamagitan ng paglalambitin papasok at palabas ng kanyang hideout sa gitna ng kagubatan.

Ang 50-anyos na lalaki, na sinentensiyahang makulong ng walong taon para sa salang sexual and domestic violence noong isang taon, ay nagtatago sa isang bahay sa gitna ng Timpa di Acireale nature reserve sa Sicily.

Sa pamamagitan ng isang lubid na ginagamit niya sa paglalambitin ay nagagawa niyang tawirin ang isang bangin na nasa bukana ng kagubatang kanyang pinagtataguan.

Nagawa lamang siyang madakip ng mga awtoridad nang lumabas siya sa kanyang lungga kamakailan upang dalawin niya ang kanyang ina sa kalapit na bayan, dahilan upang magkaroon ang mga pulis ng pagkakataon upang siya’y masundan at maaresto.

TARZAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with