EDITORYAL - Huwag palitan ang Pilipinas
(Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

SABI ni President Duterte, plano niyang buhayin ang panukalang palitan ang pangalan ng Pilipinas. Gusto niya, palitan ng “Maharlika” na dati nang isinulong ni President Marcos noong dekada ’70. Tama raw si Marcos na palitan ang pangalan dahil ang salitang Pilipinas ay nagmula sa Hari ng Spain. Mayroon daw colonial origin. Mas maganda raw kung palitan at  gawing The Republic of Maharlika. Ang “Maharlika” umano ay Malay word na ang ibig sabihin ay serenity. Pero hindi nangyari ang gusto ni Marcos. Marami agad ang tumutol.

Noong 1978, isang batas ang pinanukala ni Sen. Eddie Ilarde na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing “Maharlika”, pero hindi rin ito nagtagumpay. Hanggang sa mawala na ang isyu sa “Maharlika”.

Ngayon, binubuhay ito ni Duterte at may ilang   senador at kongresista ang sumusuporta sa Presidente sa pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas. Panahon na raw para palitan. Marami na rin umanong bansa ang nagpalitan ng pangalan.

Pero hindi madali ang pagpapalit ng pangalan ng isang bansa. Ang Malacañang mismo ang nagsabi na kailangang dumaan sa Kongreso ang pagpapalit ng pangalan. Maraming isyu ang pagdedebatehan dito. Kapag nakalusot sa Kongreso, ang mga tao naman ang magpapasya sa pamamagitan ng isang referendum. Pagbobotohan kung gusto o hindi ang “Maharlika”.

Isang pag-aaksaya ang planong ito. Sayang ang oras at pera. Sa halip na ito ang tutukan, ang pagpaparami ng trabaho at  pagkain ang dapat ipra­yoridad. Tutukan din ang tumataas na bilang ng kriminalidad at ang paglaganap ng droga na hindi mapigilan sa kabila na araw-araw ay may mga napapatay at naaaresto.

Marami pang dapat pagbuhusan ng atensiyon kaysa sa pagpapalit ng pangalan. Wala naman itong maitutulong sapagkat kahit palitan ang pangalan ng bansa kung ang mamamayan naman ang may deperensiya, balewala ito. Mas maganda kung mababago muna ang pag-uugali at magkakaroon ng disiplina ang mamamayan.

PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with