^

Punto Mo

Utol (138)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAYAMAN ba tala­ga ang papa mo, Xander? Napaka-suwerte mo namang bata ka!” sabing natutuwa ni Nanay Lucing.

“Hindi naman po sa pagmamayabang, mayroon pong sugarcane plantation ang aking ama at mayroon ding pigaan o gawaan ng asukal at muscuvado. Mayroon din pong banana plantation at mayroong factory ng banana chips. Sa akin po ipinamana ang mga iyon. Ako na po ang namamahala sa mga nabanggit. Tinuruan pa ako ng aking utol na si Gerald kaya mabilis akong natuto. Napakabait ng aking utol!’’

“Bilyonaryo ka pala Xander!” sabi ni Rosa na hindi rin makapaniwala sa magandang kapalaran na sinapit nito.

“Teka muna, Xander,” sabi ni Nanay Lucing. “Mayroong nagtungo rito noon na isang lalaki na kamukha mo. Hindi ko lang maaalala ang pangalan niya pero ang sabi, hinahanap ka at kailangang matagpuan ka. Binigyan pa nga kami ni Rosa ng pera. Mukhang mayaman pero talagang kahawig mo. Guwapo rin. Sinabi namin ang address mo sa Maynila --- sa Earnshaw ba ‘yun. Yun ba ang lalaking sinasabi mong utol?’’

“Opo Nanay Lucing, siya po ang utol ko. Napakabait po niya. Bigla pong nawala ang pagkabasagulero ko nang malamang siya pala ay aking kapatid!’’

“Napakasuwerte mo Xander!’’ sabi uli ni Nanay Lucing.

“Siguro po ay gantimpa-la sa akin ng Diyos dahil sa mga lumait sa akin noon na ang iba ay tinawag akong “putok sa buho”. Siguro po, naawa sa akin ang Diyos.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with