Cayetano, itinutulak ang vaccine program ng gov’t!
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - February 15, 2019 - 12:00am

HINDI dapat nakapokus kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, ang attention ng lahat dito sa problema ng measles outbreak o tigdas sa bansa. Nag-aaway- away na kasi ang mga opisyales ng gobyerno at nangangamba ang sambayanan na baka makaligtaan na ang problema tungkol sa tigdas na malapit na sa 100 ang namatay, karamihan mga bata.

Imbes na si Acosta ang sisihin tungkol sa hindi pagbakuna ng mga magulang sa kanilang mga anak, dapat ibuhos ng gobyerno ni President Duterte ang lahat ng makinarya nito para isulong ang lahat ng pamamaraan para mapigil ang pagkalat ng nakakamatay na sakit, ‘di ba mga kosa?

Hindi naman kasi makakatulong ang bangayan ng mga opisyales ng gobyerno para mapuksa ang naturang sakit na kumalat na sa maraming rehiyon ng bansa. Araguuyyyy! Kaya tumpak lang ang panawagan ni Deputy Speaker Pia Cayetano na isantabi muna ang sisihan at imbes ay isulong ang immunization program ni President Digong para masawata na ang tigdas.

Hindi na dapat magturu-turuan dahil ang buhay ng mga Pinoy ang nakasalalay at habang lumilipas ang mga araw ay may tsansang may mabibiktima pa ng tigdas sa hanay ng mga kabataan. Pamilyar si Cayetano sa problema ng tigdas kasi siya ang may akda ng “Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011” or RA 10152 na naglalayong bigyan ang mga bata, na may edad limang taon pababa, ng libreng bakuna sa lahat ng health centers at pampublikong ospital. 

Ilan pa sa kanyang mga pinasang batas para sa kalusugan ng Pamilyang Pilipino ay ang mga sumusunod: Cheaper Medicines Act, Expanded Breastfeeding Promotion Act at National Health Insurance Act. O hayan mga kosa, nais ni Cayetano na bumalik sa Senado kaya itong pagmalasakit niya sa kalusugan ng mga Pinoy, lalo na sa mga bata, ang magiging giya n’yo sa May elections. Tumpak! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Get’s n’yo mga kosa?

Ayon kay Cayetano, magsisilbing wake-up call sa gobyerno, lalo na sa sektor ng pangkalusugan, ang measles outbreak sa maraming rehiyon kabilang ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western at Eastern Visayas.

Sa totoo lang, maaring may papel sa pagbaba ng immunization program ng gobyerno itong pakikipaglaban ni Acosta sa Dengvaxia noong isang taon subalit hindi dapat ang PAO chief ang bibigyan ng pansin sa ngayon kundi ang massive information drive para makumbinsi ang mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak. Araguyyy!

Kaya sa unang araw ng campaign caravan ng Hugpong Pagbabago sa San Fernando, Pampanga, nakiusap si Cayetano sa mga nanay, tatay, lolo at lola na dumalo sa pagtitipong ito na ibalik ang kanilang tiwala sa mga bakunang subok nang makakapigil sa mga sakit tulad ng tigdas, chicken pox, polio at iba pa.

Imbes na ibida niya ang kanyang sarili at mangako ng kung anu-ano, pinili ni Cayetano na ipaliwanag ang kahalagahan ng bakuna at hikayatin ang mga magulang na magtiwala ng muli sa vaccine drive ng gobyerno. Nanaig ang pagiging ina ni Cayetano, at tulad ng ibang magulang ay ayaw na may mangyaring masama sa mga anak. Nararapat lang na tumulong at suportahan ni Cayetano ang vaccine program ng gobyerno di tulad ng ibang pulitiko diyan na inuna pa ang pakikipag-away, di ba mga kosa? Abangan!

PERSIDA ACOSTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with