‘State of emergency’ idineklara sa isang isla sa Russia matapos sumalakay ang polar bears
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 14, 2019 - 12:00am

ISANG liblib na isla sa Russia ang nagdeklara na ng “state of emergency” matapos salakayin ng dose-dosenang po­lar bears.

Nasa ilang libong katao ang nakatira sa Novaya Zemlya islands, at ayon sa mga kinauukulan doon, may naitala nang mga kaso ng pag-atake ng mga polar bears sa tao.

Madalas ay pinapasok na rin daw ng mga ito ang mga kabahayan at pati na rin ang mga pampublikong gusali kaya naman umaapila na sila ng tulong upang labanan ang sinasabing “pananakop” ng mga puting oso.

Sa kabila nito ay hindi pa nag-iisyu ng permiso ang pamahalaan ng Russia sa pagpatay sa mga polar bears. Kailangan ito dahil itinuturing na endangered na mga hayop ang mga polar bears sa Russia kaya isang krimen ang pagpatay sa mga ito.

Napapadalas na ang pagpunta ng mga polar bears sa tirahan ng mga tao upang maghanap ng makakain dahil tumataas na ang temperatura sa polar regions kung saan sila nakatira. Hindi na rin sila mailap sa tao matapos ipagbawal ng batas ang pagpatay sa kanila.

PO­LAR BEARS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with