EDITORYAL - Sadyain sa bahay ang mga bata at bakunahan
(Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

ISANG paraan para mahikayat ang magulang na magtiwala sa bakuna laban sa tigdas at iba pang sakit, sadyain na ang mga ito sa bahay at doon bakunahan ang mga bata. Pinaka-epektibong paraan ito para mailigtas ang mga bata sa tigdas na sa kasalukuyan ay parami nang parami ang nabibiktima. Sa pinaka-huling report, nasa 70 bata na ang namamatay sa tigdas.

Laganap ang tigdas hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Calabarzon, Central Luzon at Central at Wertern Visayas. Mga bata na may edad tatlong buwan hanggang apat na taong gulang ang biktima. Hanggang sa kasalukuyan, marami pang ginagamot sa San Lazaro Hospital. Madaling makahawa ang tigdas sapagkat sumasama ito sa hangin. Kapag nalanghap, doon na magsisimula ang pagkalat ng virus. Nagkakaroon ng kumplikasyon kaya may namamatay.

Ang isyu sa Dengvaxia ang dahilan kaya natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Nagkaroon sila ng phobia sapagkat nang bakunahan ang mga batang mag-aaral noong 2017, marami umano sa mga ito ang namatay. Mula noon, tumamlay na ang pagpapabakuna. Ayaw ng mga magulang na mapahamak ang kanilang mga anak.

Pinipilit ng Department of Health (DOH) na baguhin ang pananaw ng mga magulang ukol sa bakuna. Paalala ng DOH, ligtas ang bakuna laban sa tigdas kaya huwag nang mag-atubili ang mga magulang. Kailangan ito para mailigtas sa kamatayan ang mga bata. Walang ibang gamot sa tigdas kundi ang bakuna.

Maski si President Duterte ay nanawagan sa mga magulang na pabakunahan laban sa tigdas ang mga bata. Isang information campaign umano ang gagawin ng Presidente para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga bata. Isang mensahe umano ang idedeliber ng Presidente sa mga susunod na araw. Tulong din daw ito sa DOH para magkaroon ng tiwala ang mamamayan.

Kailangang mabakunahan ang mga bata. Magbahay-bahay na ang mga taga-DOH. Mas maganda rin kung gagawin nang mandatory ang pagbabakuna sa mga bata. Dapat gumawa ng batas ukol dito. Ipag-utos ng Presidente sa mga mambabatas na gawin itong prayoridad. Kailangang mailigtas ang mga bata.

TIGDAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with