Ang ‘impiyerno’ sa buhay ng mga lalaki
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

ISANG pag-aaral tungkol sa divorce ang ginawa ng Domestic Relations Court sa New York City. Bakit mas maraming mister ang umaayaw sa kanilang misis kaysa misis na nagsasawa sa kanilang mister? Ang number one dahilan ay pagiging bungangera at number two ay pagiging “bossy” o laging siya ang tama at matalino.

Si Napoleon III ang Emperor ng France at pamangkin ni Napoleon Bonaparte ay humiwalay sa kanyang asawang si Marie Eugenie. Kung tutuusin, tutol ang mga adviser ni Napoleon na mapangasawa niya si Marie dahil wala itong dugong bughaw. Pero minahal niya ang babae kaya walang nagawa ang kanyang adviser nang pakasalan niya ang pinakamamahal na si Marie.

Ngunit nagkamali si Napoleon. Selosa pala at sobra ang insecurities sa katawan nitong si Marie. Madalas ay basta na lang ito sumusulpot sa kuwarto kung saan nakikipagpulong si Napoleon sa kanyang mga opisyal. Walang pakundangan nitong pagsasalitaan ang asawang Emperor sa harap ng mga opisyal nito ng mga bagay na sa pribadong silid lang ng mag-asawa dapat pag-usapan. Sa sobrang asar ni Napoleon, tinotoo niya ang laging ibinibintang sa kanya ng asawa — nambabae siya.

May isang aktor na nagmahal sa aktres. Nagkahiwalay sila dahil ang aktres ay may ugaling primadona. Kung siya ay superstar sa mundo ng showbiz, gusto niyang tratuhin siya ng boyfriend bilang superstar. Noong una ay pinagbigyan niya pero umabuso itong si aktres, sinusumpungan ang boyfriend-aktor basta’t wala siya sa mood. Para lang matapos na ang luka-lukahan ng girlfriend, sinusuyo at inaamo siya ni actor kahit wala naman siyang ginawang kasalanan dito.

Kaya lang isang araw, natauhan si aktor, hiniwalayan niya ang aktres. Ngayon napaka-submissive ng kanyang bagong girlfriend-actress kaya very happy ang lovelife niya ngayon.

“A truly submissive woman is to be treasured, cherished and protected for it is only she who can give a man the gift of dominance.”

NAPOLEON III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with