Babae mula uk, tagumpay sa ‘777 challenge’matapos kumpletuhin ang 7 marathonsa 7 kontinente sa loob ng 7 araw
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

WAGI ang British runner na si Susannah Gill sa kadadaos lang na World Marathon Challenge matapos niyang kumpletuhin ang pitong marathon na ginanap sa pitong kontinente sa loob ng pitong araw.

Tinakbo ng 34-anyos na Londoner ang kabuuang layo na 295 kilometro sa loob lamang ng 24 oras 19 minuto at siyam na segundo.

Tinapos ni Gill ang ika-pitong marathon sa Miami nito lamang nakaraang Miyerkules, na siyang panghu­ling karera upang makumpleto niya ang “777 challenge”.

Tumakbo si Gill sa Novo (Antarctica), Cape Town (Africa), Perth (Australia), Dubai (Asia), Madrid (Europe), Santiago (South America) at Miami (North America).

Sampung taon nang tumatakbo si Gill at sa panahong iyon ay nakakumpleto na siya ng 45 na mga marathon, kabilang na ang 10 London Marathons – na isang beses na niyang tinapos sa loob lamang ng 2 oras at 58 minuto.

Wala pang 200 katao ang nakakumpleto sa 777 challenge simula nang una itong gawin ni Sir Ranulph Fiennes noong 2003.

SUSANNAH GILL WORLD MARATHON CHALLENGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with