Utol (135)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MAAGA pa nang dumating sa Liliw si Xander. Nang bumaba ng dyip ay para bang nakadama siya ng saya sa kalooban. Ito ang unang pagkakataon na nakauwi siya ng Liliw mula nang makatanggap nang malaking mana sa mayamang ama. Nakakadama siya ngayon nang pagmamalaki sapagkat nang umalis siya rito, mababa ang tingin sa kanya ng ilang kababayan.

Hindi niya malilimutan na sinasabihan siyang “putok sa buho’. Pero marunong naman siyang magpatawad. At kahit pa sabihan siya ngayon na “putok sa buho”, hindi na siya maghihinanakit. Kung malalaman lamang ng mga lumalaiit o nagmamaliit sa kanya ang katayuan niya sa buhay ngayon, baka malula sila dahil sa laki ng kanyang namana. Malaki ang ari-arian niya!

Naglakad-lakad muna siya at pumasok sa mga tindahan ng tsinelas. Ibibili nga pala niya ng pasalubong ang kanyang utol na si Gerald at pati na rin sina Gemo, Nanay Julia at Nanay Luisa. Pero kapag malapit na siyang umuwi saka gagawin iyon.

Nang magsawa sa pagti­ngin ng mga tsinelas, ipinasya na niyang magtungo sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kanyang mama. Matagal-tagal na ring hindi niya ito nadadalaw. Dumaan muna siya sa bilihan ng bulaklak at bumili. Dalawang magagandang bundle ng bulaklak ang binili niya. Naalala niya, kahit maliit na paso noon ng bulaklak ay hindi siya makabili dahil sa kawalan ng pera. Ngayon, kahit gaano karami, maaari niyang bilhin.

Malapit lamang ang sementeryo. Wala pang 10 minuto ay narating na niya.

Nasa loob pa ang puntod ng kanyang mama. Simple lamang ang puntod. Inilapag niya ang mga bulaklak. Sinindihan  ang mga kandila na binili sa harap ng semen­teryo.

Umusal siya ng dasal para sa kanyang mama. Taimtim na taimtim.

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with