EDITORYAL - Marijuana ang kinahuhumalingan
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MULA nang maging maigting ang kampanya ng Duterte administration laban sa shabu, naging kapansin-pansin na ang pagdagsa ng marijuana. Para bang ito na ang ipinapalit sa shabu na ubod na ng mahal ang presyo ngayon.

Subalit ang nakapangangamba, pabata nang pabata ang mga nahuhumaling sa marijuana. Karamihan sa kanila ay mga estudyante sa high school na lantaran kung magsagawa ng session at malapit pa sa kanilang eskuwelahan. Halos linggu-linggo, may mga estudyante na nahuhuling nagma-marijuana. Mabilis lang kasing bilhin ang marijuana kaya marami sa kanila ang nalululong sa paghitit.

Noong Sabado, 11 estudyante sa high school sa Bgy. Southside, Makati City ang naaktuhan ng mga pulis habang humihitit ng marijuana. May edad na 13 hanggang 17 ang mga naaresto. Nakatanggap ng report ang mga pulis na may mga kabataang maiingay at nakabubulahaw sa mga residente kaya nagkasa sila ng operasyon. Naaktuhan nila ang 11 estudyante habang humihitit. Dinala nila sa DSWD ang mga kabataan.

Isang 19-anyos na estudyante naman sa Maynila ang naaresto rin dahil sa paghitit ng marijuana. Nakumpiska sa estudyante ang isang plastic na lalagyan na may marijuana. Sinampahan na ng kaso ang estudyante.

Kamakailan, napabalita ang isang estudyante na nagbebenta ng marijuana sa kanyang mga kapwa estudyante. Nang tanungin kung bakit siya nagtutulak ng “damo”, wala raw pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang kaya siya ang gumagawa ng paraan. Alam daw niyang mali iyon pero wala raw siyang alam na ibang paraan para kumita.

Dapat mahinto na ang ganitong pagkahuma-ling ng mga estudyante sa marijuana. Ang mga magulang ang dapat manguna sa pagsubaybay sa kanilang mga anak. Lagi silang kausapin at baka may problema kaya nahuhumaling sa droga. Ma-laking tulong din ang pagkalinga ng mga guro sa kanilang mga estudanyte para mailayo sa pagkalulong sa marijuana. Hindi pa huli ang lahat para mailigtas ang mga kabataan. Tulungan sila habang maaga at may oras pa.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with