MPD, binatikos ng media!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - February 11, 2019 - 12:00am

IMBES na umani ng pogi points ang Manila Police District (MPD) dahil sa mabilis na pagkahuli sa siyam na kabataan na sangkot sa indiscriminate firing noong Huwebes, negatibong media ang inabot nila.

Ang dahilan? Walang gustong magbigay ng detalye sa media tungkol sa kaso, ‘di ba Supt. Bobby Glen Ganipac, Station 9 commander Sir? Dahil walang makausap ang media para ipaliwanag kung ano ang dahilan at motibo ng kaso, kung anu-anong espekulasyon ang naglalabasan na hindi nakatulong kundi dinungisan pa ang imahe ng Philippine National Police (PNP). Get’s n’yo mga kosa?

Maging si kosang Ted Failon ng DZMM ay nagpupuyos sa galit at kinuwestiyon ang liderato nina PNP chief Dir. Gen. Oscar Alba-yalde at NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar. Maging sa social media ay hindi pinalampas ang MPD dahil lumutang ang akusasyon na may nakikialam na mga pulitiko sa Cavite at retired police general sa kaso, ‘di ba kosang Louie Logarta Sir?

Kung lumantad lang sana si Ganipac o ang PIO ng MPD at sinagot ang mga katanungan ng media tungkol sa kaso, aba positibo sana ang mga balitang naglalabasan at naiwasan ang espekulasyon, ‘di ba mga kosa? Matapos matunugan ni Eleazar ang sitwasyon, tinawagan niya si Ganipac at inutusang sagutin ang lahat ng katanungan ng media at presto....medyo nagkaliwanagan at nabura ang mga espekulasyon, ‘di ba mga kosa ko riyan sa MPDPC? Hak hak hak! Napaka-simple na problema eh baka media shy lang si Ganipac. Tumpak!

Sa totoo lang, mabilis namang nagresponde ang Station 9 sa kaso at nahuli kaagad ang siyam na suspects matapos magreport ang concerned citizen ukol sa indiscriminate firing nila pagkalabas sa isang beerhouse sa Malate. May nakalampas na isang puting kotse subalit napigil naman matapos habulin ng SWAT at Station 9 operatives.

Kaya lang nang magdatingan ang media, hindi pa naka-blotter ang kaso at ang isinagot sa kanila ng mga pulis ay kay MPD director Chief Supt. Vicente Danao Jr. na lang kumuha ng detalye. Maaring ang pakay ni Ganipac ay magsipsip kay Danao at bigyan siya ng media mileage.

Siyempre, hindi makausap ng media si Danao dahil kasama siya ni Eleazar at iba pang mga opisyales ng PNP sa isang command conference sa Camp Crame. At dahil walang makausap na opisyal, hayun pinutakti ng batikos ang MPD at nadamay pa sina Albayalde at Eleazar. Hak hak hak! Ano ang moral lesson dito mga kosa?

At para tuluyang mabura ang akusasyon na may VIP treatment sa kaso, dinalaw ni Eleazar kinabukasan ang Station 9 at personal n’yang nakita na nasa loob ng kulungan ang mga suspect at pinakasuhan din niya kaagad ang mga ito.

Ayon pa kay Eleazar, magkakaroon ng seminar sa media relations si Ganipac at iba pang station commanders para hindi na maulit ang miscommunication sa hanay ng opisyales ng NCRPO at media. Hayun! Dapat din sigurong iutos ni Eleazar na sagutin ng NCRPO officials ang tawag ng media dahil marami rin sa kanila ay namimili ng kausap, di ba mga kosa ko d’yan sa National Press Club! Abangan!

MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with